Chipanggang female personality wala nang makain | Bandera

Chipanggang female personality wala nang makain

Cristy Fermin |September 29,2016
facebook
share this

Chipanggang female personality wala nang makain

Cristy Fermin - September 29, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429
HANGGANG sa blind items na lang ang landing ngayon ng isang chipanggang female personality na kahit paano’y nabigyan naman nu’n ng pagkakataong makilala ng publiko.

Sa mga pahulaan na lang ang kanyang balwarte ngayon dahil wala nang pumapatol pa sa kanya. Maraming kuda ang babaeng personalidad na kesyo miserable na ang kanyang buhay ngayon at wala nang nagmamahal sa kanya.

Kuwento ng aming source na dati’y kasa-kasama ng female personality, “Nakakalokayda ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon! Tawag siya nang tawag sa mga show promoters para i-book siya, kahit magkano na lang daw, pero wala nang kumukuha sa kanya!

“Nu’n pa, e, sinasabihan na namin ang hitad na ‘yun na magpreno-preno sa katarayan niya, pero wala naman siyang pinapakinggan. Lahat na lang, e, inaaway niya, konting bagay lang, e, nakareklamo na siya!

“Nu’ng one time na kumain sa restaurant ang gagang ‘yun, e, natagalan ang order niya dahil maraming customer. Alangan namang unahin siya, di ba, e, kararating lang niya?

“Aba, nagtaray na siya agad, ang lakas-lakas ng boses niya! Sino raw ba ang manager ng resto para makapagreklamo siya? Hindi raw ba siya kilala ng mga waiters at ayaw siyang unahin, e, gutom na gutom na siya?

“Nagwala siya, halos itumba na niya ang mesa, sabay layas na nagsisisigaw pa rin siya. Ganu’n siya manglait ng mga tao nu’n, akala mo pag-aari na niya ang mundo,” sabi ng unang source.

Baligtad na ang mundo ngayon para sa mahaderang babaeng personalidad, hindi na siya makapang-away ng waiter, dahil aminado siya na wala na siyang makain.

“Ano ba ang maitatawag natin sa mga nangyayari ngayon sa kanya? Magmahadera ba naman siya na parang may forever na ang konting popularity na hawak niya nu’n!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, huwag na kayong mag-apiran, mag-split na lang kayo nang walang humpay!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending