Alex umamin na: Niregaluhan ako ni Joseph ng bracelet, terno kami! | Bandera

Alex umamin na: Niregaluhan ako ni Joseph ng bracelet, terno kami!

Reggee Bonoan - September 16, 2016 - 12:20 AM

ALEX  GONZAGA AT JOSEPH MARCO

ALEX GONZAGA AT JOSEPH MARCO

NAKAKAALIW ang ginanap na grand presscon ng pelikulang “My Rebound Girl” nina Joseph Marco at Alex Gonzaga dahil puro tungkol sa “kati” ang napag-usapan.

May halo kasing malisya ang kuwento ng pangangati ng dalawang bida ng pelikula, pero dahil nga rito ay may nadiskubreng pogi points si Alex sa pagkatao ni Joseph.

Sa Benguet province nag-shoot ang “My Rebound Girl”, sa kuwento, may-ari ng coffee farm si Joseph pero naghihingalo na ang kanilang negosyo kaya gusto na itong ibenta ng kanyang nanay pero tutol dito ang binata.

Ayon kay Alex, nakatapak daw yata sila ng higad sa location, “Nasa Benguet kami, super nangati ang paa namin. So, lahat nagbibigay sa amin ng rescue – tubig, sabon. Ako lahat ang pinauna ni Joseph, siya tiniis niya ‘yung kati. Di ba, ang bait niya?”

“Iba talaga, intense ang kati nu’n, but of course, sino ba naman ang hindi mag-a-adjust, di ba? You’re my girl!” sabi ni Joseph asbay tingin sa kanyang leading lady.

Ano ang ginawa ni Marco para mawala ang pangangati ni Alex, “Hindi ko pinakamot. Kasi pag kinakamot, lalong kakati. So, hinataw-hataw lang niya,” say ng dalaga.

Ano naman ang naging partisipasyon ni Alex para mawala ang kati ni Marco, “Ayaw niya ring ipakamot sa akin, so tiniis ko na lang ang kati hanggang sa napigilan ko siya. Kaya tinawagan ko siya para sabihing huwag niyang kamutin dahil mawawala rin naman (ang kati),” nakangiting sabi ng binata.

Loveless pareho sina Alex at Marco at binuking ng dalaga na hindi niya mawari kung nanliligaw ba sa kanya ang binata dahil may mga gesture na parang nagpaparamdam ito bukod pa sa consistent ang pangungumusta nito sa kanya.

Na-test din daw ni Alex si Joseph noong nangampanya ang daddy Bono niya sa Taytay, Rizal bilang Vice Mayor, pumunta raw agad ang aktor sa isang tawag lang niya, “For the record, hindi ko rin alam, kasi hindi ko rin alam kung talaga bang nagpaparamdam siya or talaga bang seryoso siya. Yes, mixed signals.

“Actually, hindi naman mixed signals, pero may time na parang feeling ko, oo. May time na may mga ibinibigay siya sa akin, touched na touched ako talaga. Noong Valentine’s Day, binigyan niya ako ng bracelet. Terno kami,” diretsong sabi nito.

Napatitig si Marco sa kuwento ni Alex sabay tingin na parang sinabing, “Bakit mo ikinuwento?”

Hirit pa ng aktres, “Pero ayokong mag-assume na ganu’n nga (nanliligaw), siguro kung pupunta siya sa bahay ng hindi ko alam o walang nakakaalam, baka ‘yun na yun.”

At ang sagot naman ng aktor sa sinabi ni Alex, “Ayoko kasing pilitin, I mean, gusto kong maging natural siya. ‘Yun nga, sabi ni Alex, I really tried before, pero feeling ko, nu’ng time na ‘yun, hindi pa kami ready na dalawa.

“So, you’ll never know, nandiyan lang naman si Alex, you know, I’m single,” sabi ni Joseph sabay tingin sa dalaga.

Pagkatapos ng presscon, tinanong namin si Alex tungkol sa non-showbiz boyfriend niya, “Wag na ‘yun!

Hindi na importante ‘yun, ang nakaraan ay nakaraan na, ako ay nagpo-focus na,” malamang sabi ng dalaga.

Kinulit pa rin namin si Alex at tinanong kung bakit sila naghiwalay at kung ilang buwan lang tumagal ang relasyon nila, “Hindi ko rin alam, dalawang buwan? Ha-hahaha! Hindi ko rin alam kung (bakit nawala), siguro ‘yung ugali rin namin, hindi tugma. Matagal kong pinroseso sa utak ko kung bakit, pero naisip ko, hindi, mutual decision. Wag na nating pag-usapan kasi wala namang bearing talaga,” pakiusap ni Alex.

Base sa mga hugot lines ni Alex ay lumalabas na hindi tanggap ng lalaki ang ugali niya na medyo makulit o bargas kumilos at minsan mahilig magbiro dahil sabi ng dalaga ay gusto niya sa lalaking tanggap ang buong pagkatao niya.

“Accept who I am, accept my imperfections. Di ba minsan may mga ayaw ka sa sarili mo, tapos may makaka-meet kang tao na who will take against you pa, so mas masakit. With Joseph he’s very accepting, siguro may friendship talaga kami na hindi na namin kailangang mag-pretend sa isa’t isa,” katwiran ng aktres.

At muling binanggit ni Alex na hindi nawawala si Joseph sa radar niya at lagi lang nandiyan sa tabi niya,

“Consistence ang existence niya sa buhay ko. Very mysterious siya at alam niya ang personal niya sa showbiz, so puwede naman (maging boyfriend).”

Anyway, first time nina Alex at Joseph na maging bida sa pelikula kaya perfect sila sa “My Rebound Girl” at talagang nagpapasalamat sila kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Set. 28 na ang showing ng “My Rebound Girl” mula sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz. Kasama rin dito sina Martin Escudero, Nathalie Hart, Carl Guevarra, Alora Sasam, Anna Vicente at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending