Mami-mi-miss ko ang bukol ni Elmo | Bandera

Mami-mi-miss ko ang bukol ni Elmo

Reggee Bonoan |September 12,2016
facebook
share this

Mami-mi-miss ko ang bukol ni Elmo

Reggee Bonoan - September 12, 2016 - 12:25 AM

elmo magalona

SA pagbisita namin sa taping ng seryeng Born For You kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media ay natanong si Ogie Diaz na gumaganap na Desmond sa kuwento kung bakit tatapusin na ang programa.

Maraming natutuwa sa role ni Ogie sa Born For You bilang katiwala ni Ayen Munji-Laurel na gumaganap bilang si Marge Sebastian na ina naman ni Elmo Magalona na nagbibigay-buhay sa karakter ni Kevin.

Ang sagot ng katotong Ogie, “Lahat naman ng teleserye, ang peg niyan, one season, ang alam ko ha? Nagkataon na hindi na mabanat ‘yung kuwento. Naku, dati nga, meron kaming teleserye 11 weeks tumagal, ‘yung Mutya (2011).”

Ano naman ang masasabi niya sa tambalang ElNella, “Sa dalawa, siyempre mami-miss ko na ang bukol ni Elmo. Ha-hahaha!” tawa nang tawang biro ng manager ni Liza Soberano.

“Bukol express ang lolo mo, minsan nga, nakaka-distract, eh!” dugtong pa ng komedyante.
Sa taping nga raw sinasabihan niya ang binata ng, “Anak (Elmo), ‘yung bukol mo (halata). At sumagot ang lolo mo, ‘E, ganyan talaga ‘yan.’”

At bago pa mapunta sa kung saan-saan ang usapan ay iniba na namin ang topic, tinanong namin si Ogie kung nagpa-drug test na siya? “Ay ano ba ‘yan, anytime, puwede ako (drug test). Huwag lang silang mag-expect na pula ang dugong lalabas ha! (Baka raw berde).

“Dapat nga lahat ng artista, nagpapa drug test para ma-prove na hindi sila adik, ‘yung iba kasi ihi lang, puwede namang dayain. Dapat daw buhok para mas effective,” paliwanag ng komedyante.

Si Liza Soberano ay ipapa-drug text din ba niya? “Star Magic ang nagko-call no’n, pero oo naman, puwede rin naman siya anytime. Kaya lang nasa New York (USA) pa, pauuwiin ko?” hirit ulit ng katotong Ogie.

Tinanong namin nang diretso si Ogie kung ano na ang real score ngayon sa pagitan nina Liza at Enrique Gil, “Ano ba sabi nila?” balik-tanong ng katoto.

“Ako, sa tingin ko sila, pero sino naman akong mahadera na magsabi. Hayaan mo silang umamin kung gusto nilang umamin, pero parang wala silang date (anniversary), parang naramdaman lang nila. Di ba pag may date, meron ding split-up ‘yung date,” paliwanag ni Ogie.

Hirit ulit namin, hindi natupad ni Liza ang pangako niya na hindi muna siya magbo-boyfriend, “Hindi naman, kasi 18 (years old) na siya, saka ano naman Reggee, mayroon na siyang bahay,” diin sa amin.

Natupad na raw lahat ni Liza ang mga pangakong bibigyan ng tig-isang bahay ang magulang niya at mga sasakyang magagamit kaya sarili naman ng dalaga ang sine-secure niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Ogie, “Actually ano (aware) naman si Liza sa mga morality clause ng kontrata niya. Particular siya roon, pag maraming bawal, hindi niya gingawa.”

At pambubuking pa ni Ogie, “Yung kissing scene nga, ang galing nga ‘yung sa Dolce Amore (sabay muwestra na dinaya) kasi ayaw din ni Liza ang kissing scene.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending