Sylvia Sanchez ‘hinahanting’ ng mga Pinoy sa US | Bandera

Sylvia Sanchez ‘hinahanting’ ng mga Pinoy sa US

Reggee Bonoan - September 11, 2016 - 12:20 AM

SYLVIA SANCHEZ

SYLVIA SANCHEZ

ANG dami palang naghihintay kay Sylvia Sanchez sa Amerika dahil kaliwa’t kanan ang tanong sa amin ng ilang kababayan natin doon kung kailan siya ulit pupunta sa US dahil gusto raw nilang magpa-picture at i-treat ang aktres.

Sabi namin baka matagalan pa dahil busy si Ibyang sa taping ng pinagbibidahan nitong serye na The Greatest Love na napapanood na tuwing hapon sa ABS-CBN.

Kinuwentuhan kami ng mga kababayan nating abalang-abala sa mga trabaho nila sa Amerika na hindi raw nila naaabutan ang TGL pag-uwi nila ng bahay kaya bumili agad sila ng TFC box.

Sa Manhattan NYC ay libre raw ang The Filipino Channel dahil walang masyadong Pinoy na nakatira roon kumpara sa ibang lugar tulad ng Queens at Brooklyn na kaya may bayad na $24.99 monthly ang TFC subscription at may kasama pang GMA shows.

“Kaya lang kapag hindi mo inabot ang gusto mong palabas dito sa Manhattan waley na kaya lahat ng nanonood ng teleserye, bumili ng TFC box worth $150 para mapanood nila anytime na dumating kami from work,” sabi ng kababayan nating Pinay.

Anyway, going back sa The Greatest Love bossing Ervin, talagang inaabangan ng viewers si Ibyang dahil pati ang ka-loveteam niyang si Rommel Padilla ay napansin dahil siya rin daw ang partner ng aktres sa Be Careful With My Heart noon. Sabi pa sa amin, “Bagay naman sina mommy Gloria at Andres (Rommel).”

Sabagay, tinutukso nga sina Ibyang at Rommel ng press at ilang kasamahan sa showbiz, sila na raw ang susunod sa yapak ng mga sikat na loveteams tulad ng KathNiel, LizQuen, ElNella at JaDine.

Bongga ang pilot episode ng The Greatest Love na ayon sa Kantar Media ay nakakuha ng 15.7% na hindi nagpatalo sa katapat na show sa GMA, ang sa Piling Ni Nanay na nagtala ng 12.3%.

Sabi naman ng working mothers na nakakausap namin dito sa Pinas, dapat daw sa gabi ipalabas ang The Greatest Love para mapanood nila dahil kung sa I Want TV pa nila ito aabangan ay sobra na silang mapupuyat.

Hmmmm, ito ang pagkakaiba ng TFC Box dahil walang oras na hihintayin kung kailan ipalalabas dahil anytime puwede nila itong mapanood, “Oo puwedeng fast forward o rewind anytime kahit nasaan ka,” sabi sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kahapon naman ay nag-promo si Ibyang sa SM Molino Cavite, at talagang napakainit ng pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon. Sa katunayan, Mama Gloria na rin ang tawag sa kanya ng mga tao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending