Janella umamin na: Ibang level na ang friendship namin ni Elmo! | Bandera

Janella umamin na: Ibang level na ang friendship namin ni Elmo!

Reggee Bonoan - September 11, 2016 - 12:20 AM

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

HANGGANG sa susunod na linggo na lang ang seryeng Born For You nina Janella Salvador at Elmo Magalona kaya ang tanong ng lahat nang repoter na bumisita sa kanilang taping kamakailan ay kung ano ang mami-miss nila sa isa’t isa.

“Wala naman akong mami-miss kay Janella kasi magkakasama pa naman kami sa mga shows,” say ni Elmo.

Pero dugtong nito, “Yung love niya for food, kaya parating may masarap na pagkain sa set. Iba ‘yung pag-ibig niya for food.”

Naging malalim na ang pagkakaibigan ng ElNella pagkalipas ng apat na buwang pagsasama sa BFY. Sabi ni Janella, “Deeper na talaga ‘yung friendship namin, ibang level na.”

Dugtong pa ng magka-loveteam, gustung-gusto ng magulang nila ang bawa’t isa. Nabanggit pa ni Elmo na dumalaw sa bahay nila sina Janella at ina nitong si Jenine Desiderio kasama ang ilang kaibigan na may dalang pizza, bagay na nagustuhan ng mommy ng aktor.

Sa tanong kung walang girlfriend si Elmo ay may posibilidad ba na ma-develop siya kay Janella? “Sa tingin ko naman, kahit sino, maa-attract sa personality ni Janella. Her personality is attractive,” sagot ng binata.

Charming at very nice guy naman ang paglalarawan ni Janella kay Elmo, “If the circumstances are right,” sagot ng aktres sa tanong kung puwedeng maging sila.

Ayon pa kay Elmo, “Siyempre, we all know that Janella is only 18 and siyempre, close na nga kami and alam kong focused siya sa work niya.”

At para sa supporters ng ElNella, tiyak na maliligayahan kayo sa pagtatapos ng BFY dahil may live finale concert na magaganap sa KIA Theater sa Biyernes, Set. 16, 8 p.m.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending