Vice muntik nang maaksidente sa New York nang lumapit sa fans
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa ginanap na “ASAP Live In New York” sa Barclay Center (na may 18,000 seating capacity), ayon mismo sa tiyahin naming nakapanood ng show, bilang lang talaga ang bakanteng upuan sa venue.
Sinulit daw ng ASAP ang halaga ng ticket na $200 at $150 per head na ibinayad ng mga kababayan nating Pinoy.
Kuwento sa amin, “Sobrang ganda ng show, lahat halos ng production numbers nila, ang gaganda, halatang pinaghandaan, sa five-hour show (5 to 11 p.m. na may 30 minutes break), sobrang sulit na at nakakaalis ng pagod.”
Dagdag pa ng aming kausap, “Napuno halos ang Barclay Center, kasi ‘yung mga ibang Pinoy, galing pa pala sa Canada, Maryland at Connecticut. They (ASAP) gave us a fantastic show.”
At dahil karamihan daw sa nanood ay senior citizens kaya ‘yung mga nasa harapang nakaupo ay hindi na makatayo at ayaw talagang umalis kaya may sumigaw na naihi na dahil sa katatawa at kasisigaw.
“Naku, ‘yung isa nga du’n, sumisigaw na kasi naihi na, nagtawanan nga ‘yung mga katabi. Walang gustong tumayo o umalis sa puwesto, lahat namamaos na sa kasisigaw, mabuti na lang malakas at ang ganda ng sounds,” kuwento pa ng tita namin.
Naloka naman daw ang lahat sa performance ni Vice Ganda (Boom Paness at Pak Ganern), “Grabe si Vice, lahat tilian na, wala ka nang marinig at ang bait niya. Muntik siyang madapa pagbaba ng stage para mag-reach out sa fans, ako rin muntik masubsob kasi sinalubong ko siya,” natatawang kuwento ng aming tita Mercy Aranjuez.
Ang pinalakpakan daw nang todo ay ang production number nina Vice, Coco Martin, Gary Valenciano, Martin Nievera at ang Birit Queens na sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Jona at Morissette.
“Nakakatuwa kasi parang naging reunion venue ang show ng ASAP kasi nagkita-kita ang mga friends and relatives at ibang kababayan na decades ng hindi nagkikita. Kaya thankful din kami sa ABS-CBN kasi nag-show sila rito. I’m sure lahat ng hotels sa New York kumita kasi maraming dumayo rito,” sabi pa.
Ang balita namin, magkakaroon uli ng show doon sina Erik Santos at Angeline Quinto na gaganapin naman sa Carnegie Hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.