Artistahing female housemate ng PBB masama raw ang ugali | Bandera

Artistahing female housemate ng PBB masama raw ang ugali

Reggee Bonoan - September 06, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

IRITANG-IRITA ang mga sumusubaybay sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 dahil ang arte-arte at mayabang daw ang isa sa female housemates kaya hindi siya feel ng halos lahat ng kasama niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ilang beses pa lang namin napapanood ang PBB Lucky Season 7 ay may napansin nga kaming female housemate na medyo may kakaibang ugali at feeling ang ganda-ganda.

Hindi naman outstanding ang kagandahan nitong female housemate na kinaiiritahan ng viewers kaya para sa amin ay wala siyang karapatang magmaganda at higit sa lahat, parang napansin naming hindi sincere ang ipinapakita niya sa loob ng PBB house.

Anyway, may kaanak kaming nakatsikahan na nasa loob pa ng PBB at nabanggit nga nito na ang female housemate na kinaiiritahan ng viewers ay totoong hindi maganda ang ugali.

Nagulat kami kasi paano nalaman ito ng kaanak ng isa sa housemate ng Lucky Season 7.

“E, naririnig kong nag-uusap-usap ‘yung mga taga-PBB pag may pinapadala kaming gamit sa loob,” mabilis na sagot sa amin.

Hayan, kaya dapat pag may taga-outside world, huwag magkukuwentuhan ang mga taga-PBB para hindi nalalaman ang mga kaganapan sa loob.

Na-curious tuloy kaming makapanayam ang female housemate na ito para malaman ang reaksyon niya sa kumalat na balita na hindi pala siya feel ng viewers at ng ilang kapwa housemates.
Pero in fairness, para sa amin, pasadong artista ang nasabing girl, promise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending