Angel Aquino sa JaDine: Nu’ng makita ko sila na-starstruck ako! | Bandera

Angel Aquino sa JaDine: Nu’ng makita ko sila na-starstruck ako!

Reggee Bonoan |August 31,2016
facebook
share this

Angel Aquino sa JaDine: Nu’ng makita ko sila na-starstruck ako!

Reggee Bonoan - August 31, 2016 - 12:20 AM

angel aquino at jadine

ANG senior stars na kasama sa bagong seryeng Till I Met You ng ABS-CBN na sina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Angel Aquino at Pokwang ay umaming fans din pala ng tambalang JaDine.

Ayon sa apat na Kapamilya stars, tumutok din sila sa huling serye nina James Reid at Nadine Lustre na On The Wings Of Love.

Sinabi ng mga ito na matagal na nilang pangarap na makatrabaho sina James at Nadine kaya dream come true para sa kanila ang mapasama sa Till I Met You na umere na kagabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sabi ni Carmina, “Nu’ng nalaman ko na makakatrabaho ko sila (JaDine), I’m so super-excited, I’ve worked with Nadine, pero sa commercial lang, pero ‘yung silang dalawa, sobrang thrilled, sobrang thankful kasi siyempre kasi nu’ng napanood ko sa OTWOL, di ba, super popular, super famous and yet they’re so humble.

“Ang gusto ko pa sa kanila ay bumabati sila, very respectful, they’re very dedicated sa kanilang mga trabaho kahit na nakita mong inaantok na, sasabihin lang nila, ‘ate inaantok na ako,’ pero hindi sila nagre-reklamo at tao lang din sila. They’re very hardworking kaya kung nasaan man sila ngayon, deserved nila,” dagdag pa ng misis ni Zoren. Hirit pa nito, “Marami ring kissing scene rito, maraming pa-abs.”

Kuwento naman ni Pokwang, “First time ko kasing makatrabaho ang isang loveteam, nu’ng nakaraang show naman ay walang loveteam, loveteam na ganito. In fact, sila (JaDine) ang excited na makatrabaho ako,” biro ng komedyana.

“Bakit ka n’yo, tinatanggal ko ang antok nila sa set, eh. Sa umaga ang pangalan ko Agnes sa gabi, Agnas na, pero nagtatawanan pa rin kami sa set. Sabi nga ni Mina, tao lang din sila na nakikita mong pagod na, pero kapag napapatawa mo sila nawawala na rin pagod namin.”

Kuwento naman ni Angel, “Nu’ng napanood ko nga ang OTWOL, I was a big fan, gusto ko talaga silang makasama in person and I’m very happy happy talaga.

“There was a time na I saw them in an event, starstruck ako, cute na cute kasi ako sa kanila, one without the other, well individually, they’re great people and I love them as actors, pero together talaga, iba ‘yung magic ng JaDine, I don’t know why.

“But when you see them talaga in person, when they’re looking each other, wala na parang matutunaw ka na lang talaga. Saka ang galing talaga ni direk (Antoinette Jadaone) magpakilig, grabe, ‘yung mga close-ups, mga mata, wala na, you’re taken na,” kinikilig pang sabi ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending