Lucky 7 Koi pangarap dalhin sa Pinas sina Adelle at Barbra | Bandera

Lucky 7 Koi pangarap dalhin sa Pinas sina Adelle at Barbra

Reggee Bonoan - August 30, 2016 - 12:10 AM

adele at barbra streisand

HUWAG na tayong magulat kung isang araw ay sa Pilipinas naman magko-concert ang international artists na sina Adelle at Barbra Streisand.

Yes bossing Ervin, “wild-wild dream” daw ito ng Lucky 7 Koi Productions Inc., na binubuo nina Lily Chua, Joan Alarilla, Atty. Lozada, Carol Galope, Rosalinda Ong, Neth Mostoles at Liza Licup. Kasama rin bilang board of directors sa grupo sina Divine Arellano at Emy Domingo.

Sabi ni Atty. Lozada, “Dream naming madala si Adelle sa Pilipinas and also Barbra Streisand. But we cannot afford it. If we only can afford, why not.” Kaya nga sana raw ay matuloy at maging successful ang lahat ng ipo-produce shows sa Solaire Resort And Casino.

“If we cannot make this successful paano pa kami pagkakatiwalaan ng Solaire. Kaya nga humihingi kami ng tulong para maging successful itong aming first venture,” say pa ng spokesperson ng Lucky 7 na si Atty. Lozada na ang tinutukoy ay ang “Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers @ The Theater.”

Magsasama-sama rito sina Arnel Pineda, Morissette Amon, Michael Pangilinan, The 4th Impact, Mayumi, at ang T.O.M.S. Band na mapapanood sa The Theater, Solaire sa Okt. 28, 7:30 p.m.. Sa local artists naman, “Gusto naming magkaroon ng reunion ang Rivermaya at mapagsama sina Rico Blanco at Bamboo. Gusto rin naming magkaroon ng concert dito sa Solaire si Lea Salonga.”

Nabuo ang grupong Lucky 7 Koi ng pitong magkakaibigan dahil halos araw-araw daw silang nagkikita-kita sa Solaire Resort And Casino at napag-usapan nila na gusto nilang makatulong sa mga nangangailangan kaya naisip nilang mag-produce ng shows.

Mabibili ang ticket para sa “Powerhouse” concert sa Ticketworld, 891-9999. Speaking of Morissette Amon, ultimate dream pala ng dalaga ang magkaroon ng sariling musical show kaya nagpapasalamat siya dahil binibigyan sila sa ASAP ng iba’t ibang genre pagdating sa kantahan.

“Always po kasi it’s a different experience every time kaya nakakatuwa how production shows po to put us together na iba-ibang klase like kay sir Arnel (Pineda) na pinapanood ko ay may nakukuha rin ako sa kanya,” sabi ni Morissette.

Samantala, sinabi namin sa dalaga na malaki na ang ipinagbago niya lalo na sa pagsasalita, nagkaroon na kasi siya ng confidence at ang lakas na rin ng dating niya. Hindi naman itinanggi ng singer na nag-training talaga siya para rito.

“Dati kasi nahihiya pa po ako, coming from Cebu, hindi pa ako masyadong gabay (hasa) mag-Tagalog, nahihiya rin akong mag-English. Ngayon okey na although nabubulol pa rin,” sey ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending