Derek, Jasmine loyal pa rin sa TV5; Kapatid network may bago nang presidente at CEO
HINDI na si Mr. Noel Lorenzana ang presidente at chief executive ng TV5 base sa ipinalabas na official statement ng network noong Biyernes ng umaga.
Pinalitan si Mr. Lorenzana ni Mr. Chot Reyes na dating coach ng Talk & Text team sa PBA at head ng Sales at Marketing ng TV5 sa loob ng tatlong taon.
Narito ang statement ng TV5 tungkol sa pagpasok ni Mr. Chot Reyes bilang bagong Presidente at CEO: “This is to announce the retirement of Emmanuel C. Lorenzana as President and Chief Executive Officer of Mediaquest Holdings, Inc. and TV5 Network, Inc. with effect 30th September 2016.
“In light of this development, we are appointing Vicente P. Reyes as Officer-In-Charge of TV5 Network, Inc. effective 1st October 2016. “In this capacity, Chot will concurrently hold the position of President of Media5 Marketing Corp.”
Magsisimula si Chot sa kanyang bagong puwesto bilang presidente at CEO sa Oktubre 1, 2016 at marami raw gagawing pagbabago, ayon mismo sa kausap naming taga-Singko.
Maayos daw ang performance ni Chot dahil malakas ang News at Sports program nila kaya naman siya ang pinili ni Mr. Manny Pangilinan.
Ang kuwento sa amin ng source, “Okay naman si Chot kaya siguro pinili siya ni MVP kasi nakita niyang masipag naman. In fairness naman kay Mr. Lorenzana, taga-Smart siya before at pinakiusapan siya ni MVP na i-manage ang TV5 and the guy really did his best naman maski hindi niya linya ang television.
“Napababa niya ang losses ng TV5 kumpara noon, though lugi pa rin, pero napababa niya ang gastos at hindi na lumaki pa ang lugi.” Ililipat daw si Mr. Lorenzana sa ibang kumpanyang paga-ari ni MVP.
Sa tanong kung babalik pa ang entertainment department ng TV5, sagot ng source, “I really don’t know pa, pero may mga canned shows kami. Pero sana nga makabalik kasi masaya naman noon, di ba?”
Binanggit namin na may narinig kaming plano ngang i-revive ang entertainment ng TV5 pero baka next year pa. Sagot sa amin ng TV5 executive, “Baka nga next year na, kasi anong petsa na, mahirap namang bumuo ng show agad-agad.”
Sabi namin, mag-concentrate na lang muna sila sa game at reality shows bukod sa sports dahil halos wala ng artistang natira sa kanila.
“Ikaw talaga. Well, let’s see na lang. May mga artista pa naman kami, like si Derek Ramsay na pumirma uli ng 3-year contract, siguro mga hanggang 2018 pa siya. Si Jasmine Curtis may kontrata pa siya sa amin. Si Mark Neumann sayang, hindi sila masyadong nau-utilize kasi wala namang show,” sabi sa amin.
Si Ogie Alcasid kaya magre-renew pa ng kontrata sa TV5 o lilipat na ng ABS-CBN?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.