Morissette Amon itinuloy ang pagkanta kahit hirap na hirap na
Speaking of Morissette Amon, sobrang natutuwa kami sa narating niya ngayon sa mundo ng showbiz. Nasubaybayan kasi namin ang career niya mula noong 14 years old pa lang siya nang sumali sa Star Factor sa TV5 noong 2010.
Si Eula Caballero ang nanalo sa nasabing reality talent search. Kabilang si Morissette sa Final 4 kasama nina Ritz Azul at Christian Samson. At dahil limang taon ang kontrata ni Morissette sa TV5 ay umasa siyang ito na ang simula ng katuparan niyang maging recording artist pero hindi ito nangyari.
Hawig daw kasi ni Sarah Geronimo si Morissette kaya medyo nahirapang kumawala ang batang singer sa anino ng kanyang idolo. At dahil may background naman sa teatro ay napasama siya sa Broadway musical ng Repertory Philippines production ng Disney’s “Camp Rock.”
Tinapos muna ni Morissette ang kontrata niya sa TV5 bago siya sumali sa The Voice Season 1, napasama siya sa team Sarah na siyang pinangarap talaga ng batang aktres. Bagama’t hindi nanalo, dito naman siya nagsimulang makilala dahil sa kaliwa’t kanang shows.
Kuwento nga ng mommy Analie ni Morissette nang makausap namin sa “Powerhouse” presscon, sobrang natutuwa sila para sa anak dahil ito talaga ang pangarap ng dalaga, “We’re very happy for Morissette kasi nakikita mo naman siya before na talagang gusto niya at pinagtrabahuan niya.
“Grabe ang struggle niya at least nabigyan ng chance. There was a time na sinabihan ko na siya na itigil na, kasi nakita ko na ‘yung hirap niya na parang walang nangyari, pero pursgido siya kasi dream niya talaga,” balik-tanaw ng proud mom ng singer.
Malaki talaga ang nagawa ng ABS-CBN sa career niya, dahil nga sa exposure niya sa ASAP ay narating niya ang iba’t ibang bansa na noo’y pangarap lang niyang puntahan. May album na rin si Morissette at nagkaroon na rin siya ng sariling concert na ginanap sa Music Museum kamakailan kaya tinanong namin kung may iba pa siyang pangarap.
Malapit na raw mag-gold ang album niya at proud namang sinabi ng manager niyang si David Cosico ng Stages na talagang fans ang bumibili ng album niya kaya abot-langit ang pasasalamat ni Morissette sa mga ito.
Samantala, sobrang nagpapasalamat ang dalagang singer sa Lucky 7 Koi Productions dahil isinama siya sa show ni Arnel Pineda na talagang isa sa mga idolo niya. Kasama rin sa concert sina Michael Pangilinan, The 4th Impact, Mayumi and TOMS Band. Mabibili ang ticket sa Ticketworld (891-9999).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.