Arjo napaluha…inialay ang Best Supporting Actor award kay Coco
KILALANG tigasin si Arjo Atayde sa tunay na buhay at bilang si Police Insp. Joaquin Tuazon sa aksyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Pero hindi napigilan ng binata ang maluha nang tanggapin niya ang Best Supporting Actor award mula sa PEPList Year 3 noong Linggo.
Bukod kasi sa mga taong malaki ang naging bahagi sa pagpasok niya sa showbiz na pinasalamatan niya ay hindi niya nakalimutan kung paano siya in-encourage ni Coco Martin tatlong taon na ang nakararaan.
Noon pa ikinukuwento sa amin ni Arjo na talagang hindi nawawala sa isipan niya ang mga papuri ng nag-iisang Primetime King ng ABS-CBN kaya niya pinagbubuti ang trabaho niya lalo na sa Ang Probinsyano.
Bahagi ng thank you speech ni Arjo ang kuwento niya tatlong taon na ang nakararaan nang magkasama sila sa Star Magic events ni Coco. Habang nakaupo siya sa isang tabi ay dumadaan ang aktor kasama ang ilang marshalls at ngumiti sa kanya sabay sabing, “You know what, nagagalingan ako sa ‘yo, one day magkakatrabaho tayo.”
Sa seryeng E-Boy at Dugong Buhay daw napansin ni Coco si Arjo bukod pa sa ilang beses siyang nagbida sa Maalaala Mo Kaya. Nakatanggap ng offer si Arjo mula sa Dreamscape Entertainment para sa On The Wings Of Love, pero nagtaka siya kung bakit tinanggal siya roon at napunta kay Albie Casino ang role.
Kuwento ni Arjo, “I don’t know why I was pulled out, maybe because I gained weight, or maybe my looks or attitude, but I don’t think I had. Then one day they called me up and said I will be part of Ang Probinsyano.
“After three years, when I opened the door (story conference), there’s Coco Martin stood up and hugs me and said, ‘This is what I promised to you.’” At dito na napansin ng lahat na namumula na ang mga mata ni Arjo at garalgal na ang boses at sabay sabing, “This is for you (Coco).”
Nagpasalamat din si Arjo sa lahat ng bumoto sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.