Robin sa sexlife: Nagwawala pa rin naman pero kailangan ko na rin ng ‘agimat’!
MARAMING sumang-ayon pero marami rin ang pumalag sa naging pahayag ni Robin Padilla na huwag munang ibandera ni Pangulong Duterte sa publiko ang pangalan ng mga celebrities na gumagamit ng droga.
Handang makiusap nang personal si Binoe sa pangulo para lang sabihin na hangga’t wala pang nagaganap na dialogue sa pagitan ng mga anti-drug operatives at ng mga artistang nasa listahan ng mga kumpirmadong sangkot sa ilegal na droga ay huwag munang ibandera ang kanilang mga identity.
“’Yung mga pa-ngalan po ng mga artista ay huwag munang ilabas, ang mga artista, mga ma-nager, sa PNP o anumang ahensiya sapagkat ang mga artista po, tandaan po natin, mga taxpayer po sila, sumusunod din po sila sa batas kung anuman ‘yung kakulangan at anuman po ‘yung kanilang pagkakamali ay sana mapag-u-sapan.
“Pero hindi po ako nagsasalita para sa mga pusher, sorry po pero wala ka-yong lugar, pero ‘yun pong mga user, e, sana po mabigyan sila ng puwang dahil sila rin po ay biktima rin,” ani Robin.
Dagdag pa ng aktor, “Maniwala kayo sa hindi, napakabait pa ni Mayor, binibigyan pa po niya ng pagkakataon ang mga taong gustong magbago, dahil kung ‘yung gusto ko po ang masusu-nod na Revolutionary Government, wala po ito. Pero dahil si Mayor ang gusto niya ay maging mahinahon ang lahat.”
Sa komentong “foul” na raw ang ginawa ni Presidente Duterte kay Sen. Leila de Lima matapos nga nitong banggitin sa kanyang presscon na diumano’y karelasyon daw nito ang kanyang driver at dawit pa sa droga.
“Alam n’yo po, ‘yung pinag-uusapan, labas ang rivalry, ang pinag-uusapan dito ay naglilinis ang Pangulo. Katulad ko, example ko ang sarili ko, kapag ako ay nasagasaan dito (dating sangkot sa drugs), hindi po ako magrereklamo bilang isang Pilipino na gusto mo ng pagbabago.
“Kung ano ang sabihin ng Pangulo, susunod ako dahil gusto ko ng pagbabago, ‘yung nangyayari po sa ating Pangulo at sa ating Senadora, ang tanong po diyan ay kung sino ang may hawak ng ebidensiya. “Kasi sa mga pinag-uusapan po nila, mga public servant po natin sila, tandaan natin na sila po ay nangako at nanumpa sa, una sa ‘yo, pangalawa sa Bandila ng Pilipinas.
“Kung sino ang nagsasabi ng totoo, siya ang maglabas ng ebidensiya. Hindi po ito usapin kung sino ang nasasaktan o naaapi. Kung ano ang katotohanan at ito ang magpapalaya sa atin,” esplikang mabuti ni Robin.
Sa ginanap na launching ng Bravo Food Supplement para sa magandang experience ng mga lalaki sa kanilang mga misis ay natanong si Robin kung ano ang ipapangalan nila sa panganay nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez ngayong nalaman na ang gender nito.
Mabilis na sabi ng hubby ni Mariel, “Meron pong magaganap na baby shower si Mariel sa September 3 at doon niya sasabihin ang pangalan ng bata.
“Kasi, ako, medyo binitin-bitin din ng asawa ko, eh. Hindi lang sa usapin na ’yun, ha, pati po do’n sa gender. Matagal pa bago niya sinabi sa akin, nu’ng nakaraang linggo lang.
“Tapos, ’eto naman ’yung pa-ngalan. Kasi po, talagang gusto ko, sa kanya lahat manggaling. Saka desisyon din niya kung kailan ako magba-Bravo,” natawang sabi pa ng aktor. Samantala, sa Amerika manga-nganak si Mariel at hindi pa sure kung makakasama si Robin dahil hindi pa rim siya binibigyan ng US visa.
Kung wala si Robin, bakit hindi na lang dito sa Pilipinas manganak ang asawa niya?
“Yun pong kasing magulang ni Mariel, especially ‘yung daddy niya, ang kahilingan po ay doon siya manganak at siyempre iba rin ‘yung pakiramdam na kasama niya ang magulang niya pati ate niya, one big family event ‘yun.
“Kaya inaayos pa namin, sana mabigyan ako ng visa, saka gusto ko talaga tahimik ‘yung panganganak niya, malayo muna sa intriga kasi napakadelikado,” paliwanag ni Robin. At delikado pa rin daw ang pagbubuntis ni Mariel kaya ingat na ingat sila, “’Yung anti-bodies niya kasi masyadong malakas, pinapatay ‘yung bata kaya kinokontrol ‘yun. Kaya mara-ming gamot. Tapos ‘yung sugar niya tumaas,” kuwento ng aktor.
Pinag-usapan din ang ine-endorse ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla na Bravo Food Supplement for Men, isang dietary supplement na makakatulong sa pagkakaroon ng kakaibang bedroom experience.
Sabi ni Robin, “Napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong na-testing ko na ’yung Bravo kasi ho, ’yung asawa ko ay anim na buwan na buntis. Ipinagbawal po ng doktor na may gawin akong maganda. Kaya ako po ay outside de kulambo pa.
“’Eto pong Bravo, nang unang iki-nuwento sa akin, siyempre, kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat naman po ng ineendorso ko, hindi dahil malaki ang bayad o kailangan ko ng pera. Lagi po riyan ’yung ’yan ba, eh, makakatulong ba talaga sa tao ’yan o magbigay lang ng sakit.
“Kaya po, hanggang kanina pinag-uusapan pa rin namin kung ano ang kagandahan nito na ibibigay sa tao. Hindi po namin pinag-usapan ang tungkol sa salapi. Ang lagi po naming tinatanong, ito ba, eh, kasagutan sa problema ng maraming tao, lalo na ng kalalakihan.
Kailangan na bang gumamit ni Robin ng ganitong produkto? “Kung kailangan po nating mag-iwan ng marka ng gabing ’yun, kailangan nating uminom. ’Yung tinatawag po nating agimat. Kasi ’yung performance, nandiyan na ’yan, eh. Sa lahat ng mga lalaki, nandiyan ’yan, pero iba ’yung may agimat ka.”
At dahil nagkakaedad na si Robin, nababawasan na ba ang performance niya? “Ah, hindi naman nabawasan pa. Wala pa. Nagwawala pa!” tumawang sabi ng aktor. Para naman kay Rommel, “Nasubukan ko na, actually, three days ago. Siyempre, natural, ano ang gagawin natin? Alam naman natin na may pagkakataon na si ‘bossing,’ si ‘junjun,’ eh, natatapat du’n sa medyo may kalungkutan.
“Eh, siyempre, kapag kinalabit ka ni misis, kaya pa naman, pero gusto mong maibigay na agad ang hinahanap, ’yung marka, eh, ininom ko na, “natatawang kuwento ng tatay ni Daniel Padilla. Sa mga hindi nakakaaalam, Muslim na rin si Rommel at puwede siyang mag-asawa ng higit sa isa. Ang Bravo (Ang bagsik mo!) food supplement for Men ay para sa lahat ng mga kalalakihan, di lang sa mga nakakaranas ng Erectile Dysfunction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.