Juday ipinatikim sa press ang mga putaheng niluto sa ‘Kusina’ | Bandera

Juday ipinatikim sa press ang mga putaheng niluto sa ‘Kusina’

Reggee Bonoan - August 08, 2016 - 12:20 AM

judy ann santos

TAKAM na takam ang lahat ng imbitadong entertainment press sa ginanap na special screening ng “Kusina”, official entry sa 2016 Cinemalaya na nagsimula na last weekend. Ang sasarap kasi ng mga nilutong putahe ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa movie.

Kaya’t habang nanonood kami ay may mga bumubulong ng, “Sana matikman natin lahat ng luto ni Juday.”

Hindi naman nabigo ang entertainment press dahil ang mga ulam na napanood sa “Kusina” ay inihain mismo ni Chef Jayps Anglo sa Sarsa Kitchen & Bar sa SM Megamall kung saan ginanap ang tanghalian pagkatapos ng screening.

May adobong manok at baboy, ginataang monggo, laing, sinigang na baka at leche flan, bukod pa sa mga appetizer na inihain sa amin courtesy pa rin of chef Jayps. Magkaibigan sina Juday at Chef Jayps dahil matagal din silang nagkasama sa reality show na Master Chef Pinoy Edition at Master Chef Junior.

Kasamang nag-isip nina Juday at Chef Jayps ang isa sa producer ng “Kusina” na si Noel Ferrer na ihain nga ang lahat ng niluto ng aktres sa pelikula para sa entertainment press bilang bahagi na rin ng promotion ng pelikula.

Tinanong namin si Noel kung ex-deal ang Sarsa Kitchen sa “Kusina”, umiling lang ang isa sa producer at sabay sabing, “Hindi ko kasi alam ang usapan nina Juday at Chef Jayps, kapatid, ask mo na lang si Juday, pero since kasama sa menu ang recipes ni Juday, puwedeng oo, ask mo na lang.”

Naalala namin na baka nami-miss na ni Juday ang pagkakaroon ng restaurant na dati niyang business noong dalaga pa siya, hindi nga lang niya ito naasikaso dahil sa kanyang busy schedule. Gusto lang daw niyang mag-share ng kanyang recipe kaya ibinigay niya ito kay Chef Jayps para sa sarili nitong restaurant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending