Paolo babalik na sa Eat Bulaga sa Setyembre? | Bandera

Paolo babalik na sa Eat Bulaga sa Setyembre?

Reggee Bonoan |August 02,2016
facebook
share this

Paolo babalik na sa Eat Bulaga sa Setyembre?

Reggee Bonoan - August 02, 2016 - 12:10 AM

paolo ballesteros

“VERY soon!” Ito ang kaswal na sabi sa amin ng taong ayaw ipabanggit ang pangalan sa pagbabalik ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga.

Sa pagbisita ng ilang entertainment press sa first shooting day ng pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend”, kinulit si Paolo kung babalik pa ba siya sa Eat Bulaga matapos siyang ma-suspend dahil sa ipinost niyang reklamo sa social media laban sa staff ng isang event.

Naging viral online ang reklamo ni Paolo na balitang nakaapekto kahit paano sa management kaya pinagpahinga muna siya. Anim na buwan ang suspension kay Paolo (hanggang Setyembre pa) at umaasa ang TV host-comedian na sana’y makabalik na nga siya sa susunod na buwan.

Nabanggit ding “secured” na ang buhay ng TV host-actor dahil sa magandang blessing na dumating sa kanya. Tinatanong namin kung ano ito pero tumangging magbigay ng detalye ang aktor, “Basta, abangan n’yo na lang.”

Duda ng lahat, ito na nga ang nalalapit niyang pagbabalik sa Eat Bulaga. Ayon nga sa aming source “very soon” ay muling mapapanood ang tinaguriang Make-Up Transformation King sa Eat Bulaga, “Bawal sabihin kasi baka sabihin nila (TAPE management), inuunahan sila.”

Ani Paolo miss na miss na niya ang mga Dabarkads lalo na ang mga kasamahan niya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending