Anne hinding-hindi maghuhubad sa FHM: Ayoko talaga! Huwag na! | Bandera

Anne hinding-hindi maghuhubad sa FHM: Ayoko talaga! Huwag na!

Reggee Bonoan - August 02, 2016 - 12:05 AM

anne curtis

HINDI pala type ni Anne Curtis na maging cover sa FHM dahil iba raw ang connotation nito sa ilang tao. Maski raw nagpapakita ng skin si Anne sa mga pelikula at teleseryeng ginagawa niya ay hindi pa rin daw niya kakayanin ang FHM.

Katwiran ng It’s Showtime host, “Eversince I became a UNICEF advocate for children, talagang iniwasan ko na ‘yon. I think for films, puwede pero medyo nag-lie low na rin ako. At saka, parang it’s about time, na kapag 31 ka na, siguro dapat ibigay mo na sa iba.

“But if it’s called for, let’s say, for a film, okey lang siguro. Pero ‘yung mga magazine na nagpapaano, no na lang!” ani Anne. Dagdag pa ng aktres-TV host, “The only men’s magazine na nag-pose ako ay sa Rouge. But for FHM, no! No! No! No! No!”

Inamin ng aktres na matagal na siyang nililigawan ng nasabing men’s mag pero hindi siya nakumbinsi, “A long, long time ago, when they asked me na baka gusto ko. Pero, hindi talaga, eh. Pero, kung magagawa nila na everyone else in that magazine is covered, baka puwede. Ha-hahaha! “Pero, hindi ko talaga kaya. But I don’t have anything against sa women na nagagawa ‘yon sa magazine, that’s their choice, pero ako, ayoko talaga!” aniya pa.

Hindi ba type ni Anne na maraming humanga sa kanya kapag nakita siya sa nasabing magazine, “Hindi sa ganu’n. Hindi mo maa-avoid ‘yon. Kung mga nakabihis sila na 2-piece, okey lang. Pero di ba, ang FHM, it’s a little bit more skin than usual?” diin pa ng aktres nang makatsikahan namin sa first shooting day ng “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” mula sa Viva Films at line produced naman ng First Idea First sa direksiyon ni Jun Lana.

Tinanong si Anne kung papayagan niya ang kapatid na si Jasmine Curtis na mag-pose ng sexy sa men’s mag, “It’s her own personal decision, pero siyempre ayoko. Kakausapin ko ‘yon. Iha, mag-usap muna tayo. “Pero, she already did Esquire, at iba pang magazines. Puwede naman ang mga bikinis pag fashion magazines. Okey lang ‘yon,” sabi ng dalaga.

Pero sa tingin ni Anne ay baka hindi rin pumayag si Jasmine dahil mas konserbatibo raw ang kapatid. Tumatawang sabi pa ng ate ni Jasmine, “Mas daring ako nu’ng bata ako. Medyo mas manang siya kesa sa akin. Ha-hahaha!”

Oo nga bossing Ervin, tanda mo nu’ng kabataan ni Anne, halos lahat din ng gwapong young actor sa showbiz ay naging boyfriend niya at nagkaroon pa nga siya ng kissing video with Richard Gutierrez na hindi naman niya itinanggi. Pinagsisihan na raw niya ito dahil dala lang ito ng pagiging careless niya.

Mature na nga si Anne dahil hindi na rin siya laman ng private bars and restaurants these days.
Samantala, mapapanood na ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” sa Oktubre, 2016 kung saan makakasama nga niya sina Paolo Ballesteros at Dennis Trillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending