Sylvia Sanchez may binitiwang pangako kay Angge | Bandera

Sylvia Sanchez may binitiwang pangako kay Angge

Reggee Bonoan - July 29, 2016 - 12:15 AM

SYLVIA SANCHEZ

SYLVIA SANCHEZ

WALA pang binanggit sa amin kung anong petsa sa Agosto ang airing ng The Greatest Love serye ni Sylvia Sanchez, wala pa raw advice sa kanila ang ma-nagement.

“Basta ako, taping lang nang taping kasi kapag umere na ‘yan, baka maubusan kami (ng episode),” say ng aktres.

Sa susunod na linggo na raw sila mag-aaraw-araw ng taping kaya habang hindi pa ito nangyayari ay bonding muna sila ng mga anak niyang sina Xavi at Gela Atayde na naisasama pa niya sa mga lakad niya.

“Oo Reggs, kasi kapag nag-araw-araw na kami ng taping, hindi ko na makikita ang mga anak ko, pagdating ko, baka nakapasok na sila sa school o tulog na sila, paggising naman nila, wala ako o tulog na ako.

“May taping naman ako ngayon, hindi lang araw-araw kaya nagagawa ko pa ‘yung mga dapat kong gawin like bayaran ng bills. Isinasama ko ang mga anak ko sa ganu’n tapos pasyal-pasyal na sa mall.

“Si Gela minsan ko na rin lang naisasama kasi may pasok, tapos may sarili na ring mundo. Sina Arjo at Ria (Atayde), dati ko ng hindi naisasama kasi may mga trabaho na, maliban pag kapag Linggo talagang kumpleto kaming pamilya kasi family day ‘yun at may lunch or dinner kami talaga,” kuwento ng aktres.

May bago nang magma-manage kay Ibyang dahil nga “tulog” pa rin si Tita Angge kaya tutulungan siya ng mga kaibigan niyang sina Anna Goma (dating program manager ng ABS-CBN), Bobby Casuela (matalik niyang kaibigan) at Jaime Santos (dating member ng VIP Dancers), kasama niya si Smokey Manaloto sa bagong talent management na Powerhouse Arte’ Inc.

Hindi raw kasosyo ang aktres dito, “Hindi, talent nila ako. Mas gusto kong mag-concentrate lang bilang artista, ayoko ng may talent agency. Ang asawa (Art Atayde) ko na lang ang bahala sa negosyo. Hindi ko linya ‘yan. Umarte lang alam ko. Ha-hahaha!”

Anyway, linggu-linggo pala ay dinadalaw talaga ni Ibyang si Tita Angge, “Oo, minsan halos every other day, e, naging busy kaya nagiging twice a week. Inaalam ko kung ano kailangan, kinakausap ko siya, sabi ko gumising na siya agad-agad. Ipi-nangako ko na hindi ko sila bibitawang mag-iina, ako bahala sa kanila pati sa mga anak niya,” pahayag niya sa amin.

Kaya sobrang blessed si Sylvia Sanchez dahil isa lang si tita Angge sa mga binibigyan niya ng tulong at marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggali-ngan at nakaraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending