Pagkatay ng aso, cyberscam bagong misyon ni Coco | Bandera

Pagkatay ng aso, cyberscam bagong misyon ni Coco

Reggee Bonoan |July 28,2016
facebook
share this

Pagkatay ng aso, cyberscam bagong misyon ni Coco

Reggee Bonoan - July 28, 2016 - 12:20 AM

coco martin

SAYA at aksyon ang matutunghayan ng mga manonood gabi-gabi sa pagdala ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ng good vibes sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Matapos ang kanilang pagtatambal sa box-office hit na “Beauty and the Bestie,” sa telebisyon naman matutunghayan ang kinagiliwang tandem nina Vice at Coco na talaga namang ikinatutuwa ng viewers.

Tutukan ang mga nakakatawang eksena kasama si Vice sa pagganap niya bilang si Ella, ang lider ng online scammers na nagpapanggap bilang mga babae upang makakuha ng pera mula sa foreigners. Makakasama rin ni Vice rito sina Pooh at Chokoleit.

Ano nga kayang panganib ang dala ni Ella? Mapigilan kaya ni Cardo (Coco) na mahumaling kay Ella? Paano kaya masusugpo ni Cardo ang mga plano ng kanilang grupo?

Samantala, bukod sa cyber scam, tampok rin sa top-rating series ang kaso ng iligal na pagkatay ng aso kasama sina Emilio Garica, Manuel Chua at Kiko Matos. Napapanood pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending