Duterte wala nang balak palitan si MTRCB chairman Toto Villareal | Bandera

Duterte wala nang balak palitan si MTRCB chairman Toto Villareal

Reggee Bonoan - July 28, 2016 - 12:25 AM

toto villareal

MUKHANG type ng administrasyong Duterte ang pamamalakad ni Movie And Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Eugenio “Toto” Villareal dahil wala pang balitang papalitan siya sa puwesto.

In fairness, maganda naman ang performance ni Chairman Villareal dahil nakita namin kung gaano kahigpit ang mga takil- yera sa mga sinehan mula sa pang-masa at sosyal na malls. Kapag may kasamang bata ang magulang at maski na may nakalagay na PG13 at kapag wala pang trese ang anak ay hindi pinapapasok. At na-witness na rin namin na may gustong lumusot pero hiningan talaga ng school ID ng takilyera ang ina ng bata.

At kapag wala namang dala ay humihingi naman ng dispensa ang takilyera at sinasabing hindi sila magpapasok dahil sila ang mapapagalitan at posibleng ikatanggal pa nila sa trabaho kapag pinalusot nila ang mga ito.

Maging sa paglalagay ng rating sa mga pelikula ay mahigpit din pero minsan may mga katanungan kami kung bakit minsan R-13 ang ibinibigay sa foreign movie na may sexy scene at may halikan pa, hindi ba dapat R-16 na ito?

May isa lang kaming concern since pinapayagang manood ang bata kasama ang magulang, sana kung hindi naman pambata ang pelikula ay huwag nang isama dahil ang tendency nag-iingay lang ang mga bagets kapag hindi nila type ang pinapanood nila.

May nakasabay kasi kami na siguro’y walang mapag-iwanan ang nanay sa anak kaya isinama na lang ito nang manood ng pelikulang “Love Me Tomorrow” nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta na PG ang rating.

Ending, ang ingay-ingay ng bagets at talagang may malisya na dahil panay ang tukso kapag nagpapa-cute si Piolo kay Dawn lalo na nu’ng nahulog ang towel ng aktor, ang sabi ng bagets, “Uy, gustung-gusto naman ni Dawn, breakfast is ready na raw” kaya tawanan ang lahat ng tao sa sinehan. Cute naman ang reaksyon ng bagets kaya lang sa murang edad ay nagkakaroon na ng malisya sa napapanood niya.

Going back to MTRCB Chairman Toto, may nabalitaan kaming pangalan na tila gustong umupo sa puwesto niya ngayon, pero mukhang hindi nagtagumpay sa pagpaparinig kay President Rodrigo Duterte dahil hindi siya pinansin ng pangulo. Oo nga, bakit kailangang palitan kung maayos naman ang trabaho at wala namang pangit na record, di ba?

At wala rin kaming narinig na reklamo sa mga taga-showbiz/movie producers at directors laban kay Chairman Toto, ma- liban lang kay Sen. Tito Sotto na naging kontrobersyal kamakailan dahil sa reklamo ng manonood sa MTRCB matapos mag-comment tungkol sa isang female contestant sa Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending