Bossing pinayagang manligaw ang anak kay Maine, pareho naman daw single | Bandera

Bossing pinayagang manligaw ang anak kay Maine, pareho naman daw single

Reggee Bonoan |July 27,2016
facebook
share this

Bossing pinayagang manligaw ang anak kay Maine, pareho naman daw single

Reggee Bonoan - July 27, 2016 - 12:01 AM

 

maine mendoza at vico sotto

NU’NG unang itsika ng aming source ang tungkol sa plano ng anak ni Vic Sotto na si Vico na ligawan si Maine Mendoza ay parang hindi pa kami masyadong nakumbinse.

Pero sa ikalawang pagkakataon nang magkuwento ulit ang aming source over dinner ay talagang na-curious na kami. Kuwento sa amin ay nagpaalam na raw si Vico sa daddy niyang si Bossing Vic para ligawan si Maine at umokey naman daw ang TV host. Wala naman daw nakikitang masama ang komedyante kung manligaw ang anak kay Maine.

Oo nga, wala namang dahilan para hindi payagan ni Vic ang binatang anak na pormahan si Maine, single naman ang dalaga ngayon at single rin si Vico. Hindi nga lang daw ito ipinangangalandakan ng mga taong involved dahil baka makasira nga sa loveteam nina Maine at Alden Richards. Siguradong magiging negatibo ang dating ni Vico sa AlDub fans na ayaw na ayaw may nali-link na iba sa kanilang mga idolo.

Bigla naming sinilip ang Twitter account ng anak nina Vic at Coney Reyes at dito nga namin nabasa ang mga komento ng kanyang followers na pabor sa kanila ni Yaya Dub. Ayon sa isang netizen, “Bagay kayo ni Maine. Go lang kung type mo talaga syang ligawan.”

Kaya pala tinanong kami ng aming source kung ano ang feedback ng mga tao kay Vico na isang konsehal ngayon sa Pasig City. Sabi namin, may mga pabor sa dalawa at meron ding hindi lalo na ang mga possessive na fans ng AlDub.

Hmmmm, interesado tuloy kaming makatsikahan sina Vico, Maine at Alden para itanong kung okey lang ba sa kanila ang love triangle.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending