Sarah sasabak na rin daw sa triathlon; May patutunayan kay Matteo | Bandera

Sarah sasabak na rin daw sa triathlon; May patutunayan kay Matteo

Ervin Santiago |July 25,2016
facebook
share this

Sarah sasabak na rin daw sa triathlon; May patutunayan kay Matteo

Ervin Santiago - July 25, 2016 - 12:05 AM

sarah geronimo at matteo guidicelli

MARAMING na-excite nang kumalat ang balita na sasabak na rin si Sarah Geronimo sa triathlon tulad ng favorite gawin ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Naka-leave ngayon sa showbiz ang Pop Princess kaya nagagawa nito ang lahat ng gusto niyang subukan. Bukod nga sa culinary and calligraphy classes, kinakarir din ng singer-actress ang pole dancing.

Recently, ay nag-viral din ang photo nila ni Matteo habang sila’y nasa spinning/bi-king class. In fairness, suportado talaga ni Matteo ang health and fitness programs na sinasalihan ng kanyang girlfriend.

Inaabangan naman ng kanyang mga Popsters kung totoong sasabak na rin siya sa triathlon na love na love rin ni Matteo. Ang tinutukoy namin ay ang gaganaping Iron Girl sa Cebu.

Base sa ulat, may naka-register daw kasing Sarah Geronimo sa nasabing sport competition. Wala pang kumpirmasyon mula sa Viva Artist Agency o sa kampo ni Sarah kung siya nga ang nasa listahah ng mga kasali sa Iron Girl.

Pero kung totoo man ang balita, wala namang problema. Baka talagang naimpluwensiyahan na ni Matteo si Sarah para mas maging sportsminded. At baka may gusto rin siyang patunayan sa kanyang boyfriend.

At feeling namin kayang-kaya naman ‘yan ng Pop Princess dahil sanay na siya sa pagpapagod nang bonggang-bongga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending