Dimples: Matindi kaming mag-away ng nanay ko noon! | Bandera

Dimples: Matindi kaming mag-away ng nanay ko noon!

Reggee Bonoan - July 24, 2016 - 12:15 AM

dimples romana

KASAMA rin si Dimples Romana sa The Greatest Love bilang panganay na anak ni Sylvia Sanchez, na isang suwail at palasagot na anak. At dahil ina na rin si Dimples ay natanong naman kung ano ‘yung mahirap na parte sa pagiging nanay at paano siya nabago nito.

“Nabago ako bilang babae kasi bata pa ako no’n (nag-asawa) 19 lang ako. Parang mas naintindihan ko ‘yung nanay ko, totoo pala ‘yun. Kasi grabe kami mag-away ng nanay ko kasi hindi ko siya naiintindihan, pero nu’ng lumabas si Kyle (panganay na anak), lahat ng sakit na ipinaramdam ko sa nanay ko feeling ko bumalik sa akin lahat.

“Iniisip ko, babae pa naman ‘yung una kong anak, paano kung ako ang dadaan do’n, baka mas malala pa sa reaksyon ng nanay ko ang magiging reaksyon ko.

“My mom did her very best and I know she really handed herself very well and I’m very proud of her dahil ang hirap ko po sigurong maging anak kasi ang dami kong pangarap sa buhay, so parang lahat ‘yun, na put on hold dahil kailangan kong unahin ‘yung anak ko.

“Pero ‘yung pinakamahirap siguro ‘yung pag may tinanong sila sa ‘yo na hindi mo alam kung ano ang sagot. Like, ‘mommy bakit ako nabu-bully, bakit ganito ako?’ Parang gusto mo ng akuin lahat, gusto mo na lang, sige akin na. Pero hindi mo puwedeng gawin, kasi ‘yun ang rule ng mundo, ‘yun ang rule ng pag-ibig ng magulang at anak, kailangan pagdaanan nila,” mahabang pahayag ni Dimples.

Dalawa na ang anak ni Dimples at malaki ang agwat ng panganay at bunso niya dahil pinlano raw talaga nila itong mag-asawa dahil mahirap ang sunud-sunod ang anak at gusto nilang i-enjoy ang bawa’t isa. At higit sa lahat, “Mahal ang magpaaral kaya dapat planado.”

Marami na ang nag-aabang sa The Greatest Love lalo na ang mga nakakausap naming mga ina dahil siguradong makaka-relate raw sila sa kuwento nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending