Matt Evans: Grabe! Ang sama na ng tingin sa akin ng mga bading! | Bandera

Matt Evans: Grabe! Ang sama na ng tingin sa akin ng mga bading!

Reggee Bonoan - July 24, 2016 - 12:15 AM

matt evans

SA nakaraang presscon ng The Greatest Love na pagbibidahan ni Sylvia Sanchez kasama ang gaganap na mga anak niyang sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Ahron Villaflor at Matt Evans ay natanong ang huli kung kampante na siyang gumanap bilang bading.

Naging bading na rin si Matt sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, sabi ng aktor kaya niya tinanggap ang gay role sa MMK ay para ma-challenge siya bilang artista.

“Kaya ko po tinanggap kasi light, romantic comedy. Kahit po ‘yung una ko sa MMK noon, sobrang naging madali po sa umpisa para sa akin kasi si Direk Don Cuaresma ang direktor ko noon, kaya siya na po ‘yung peg ko nu’ng time na ‘yun.

“Tapos ngayon, napakahirap po kasi heavy drama itong gagawin ko, medyo kailangan ko ng immersion, halos lahat nga po ng dumadaan sa harap ko (bakla), masama tingin sa akin kasi from head to toe, tinitingnan ko sila para pag-aralan ang kilos nila.

“Lahat talaga pinag-aaralan ko kasi para sa akin mahirap po talaga at alam ko maraming matutuwa kapag nakapag-perform po ako ng maayos,” sabi pa ni Matt.

In fairness, ang ganda at ang guwapo ni Matt bilang bading kasi tisoy at mukhang babae rin siya.
Samantala, natanong siya kung ano ang masasabi niya sa kanyang wife na talagang suportado siya sa kanyang trabaho at patuloy na nagpapakahirap para sa kanilang mag-aama.

Sabi ni Matt, “Para sa akin, ‘yung wife ko po kasi malaking bagay ‘yung tanggapin ako, ‘yung trabaho ko kung gaano kagulo ‘yung buhay ko dati. At ‘yung isang pinagpapasalamat ko ay ‘yung walang humpay na pag-aaruga sa mga bata lalo na kapag nasa trabaho ako at araw-araw na hindi ko nakikita ang mga bata.

“Kaya ang laking bagay na isinasakripisyo niya na siya mismo ang nagdadala ng mga bata sa set, ipinapakita niya ang mga anak ko, laking ginhawa, nakakarelaks sa trabaho kahit paano at pagdating po ng bahay, aasikasuhin ka pa, so isa po ‘yun sa talagang saludo ako sa kanya,” papuri ni Matt sa asawa.

Mukhang ideal husband din naman si Matt dahil isang araw bago ang presscon ng The Greatest Love ay nakasalubong namin siya at karga ang anak niyang babaeng super cute at artistahin din. Kaagad na ipinakilala ni Matt sa amin ang kanyang anak at sabay turo rin ng asawa’t panganay na nasa sasakyan na.

“Galing po kami sa pictorial ng Greatest Love, isinama ko sila (mag-iina) para bonding namin kasi sobrang busy ko na po,” kuwento ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi nawawalan ng project si Matt dahil sunud-sunod ang bigay sa kanya ng ABS-CBN. Ayon sa aming source, maayos daw kasing katrabaho ang aktor, propesyunal at hindi mareklamo. Kaya nagpapasalamat ang aktor sa Dos dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng network.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending