Angeline bawal pang magpakasal pero pwede nang magka-baby | Bandera

Angeline bawal pang magpakasal pero pwede nang magka-baby

Reggee Bonoan - July 23, 2016 - 12:10 AM

angeline quinto

NAKAKAALIW ang trailer ng “That Thing Called Tanga Na” na ipinanood sa entertainment press sa ginanap na presscon ng pelikula produced by Regal Entertainment sa direksyon ni Joel Lamangan.

Pinagbibidahan ito nina Erik Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero, Angeline Quinto at Billy Crawford, kasama sina Nikki Valdez, Jerald Napoles, Ken Alfonso, Lawrence Yap, Luke Conde, Vangie Labalan, Paolo Gumabao at Albie Casino.

Si Angeline lang ang nag-iisang babae sa main cast pero hindi naman daw siya nailang dahil sanay na siyang puro bakla ang kasama sa tunay na buhay.

Sabi ni Angge, “Kasi sa personal na buhay ay marami po akong kaibigan na bakla noon pa po noong nasa Sampaloc pa ako. Hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin sila kaya hindi naman ako nahuhuli sa mga bagong lengguwahe nila (gay lingo).

“Saka si direk Joel hindi naman niya ako pinabayaan, nakakatuwa kasi na-share ko nga kay direk na sobrang idol ko si Maricel Soriano sa lahat ng comedy films niya, siya po ‘yung isa sa inspirasyon ko kapag gumagawa ako ng mga ganitong project,” dagdag ng singer-actress.

“That Thing Called Tanga Na” ang title ng movie nila kaya natanong si Angge kung naranasan na ba niyang maging tanga sa pag-ibig?

“Siguro naman po lahat tayo naranasan ‘yun lalo na po ako kasi kapag nagmamahal ako, minsan hindi ko na naiisip ‘yung sarili ko, pero kung naging tanga man ako sa pag-ibig noon, marami rin naman akong natutunan hindi ko na babalikan, mature na ako ‘no?” tumawang sagot ng dalaga.

Sunod na question sa dalaga, dahil uso ngayon ang same-sex marriage, pabor ba siya rito? “Hindi naman po ako against sa same sex marriage kasi unang-una po ang dami kong kilala na parehong lalaki at babae ikinasal saka minsan may mga nagi-invite pa po sa akin na kumanta sa kasal nila, e, di trabaho rin ‘yun, so malaking tulong naman po sa akin (kabuhayan) kaya bakit naman ako magiging against, di ba?

Samantala, inamin ni Angeline na huminto na si Erik Santos sa pakikipagkita sa kanya, “Gusto po kasi ni Erik mag-asawa na, kasi nga nasa marrying age na siya, e, hindi pa po ako handa. Marami pa akong dapat gawin na hindi ko pa naibibigay sa pamilya ko. Saka ayaw pa po akong pag-asawahin ng mama (Bob) ko.

“Ang gusto lang niya magbuntis ako, hindi ako pakakasal. Sabi ko nga, hindi ba puwedeng mag-ampon na lang. Sabi ng mama Bob ko, ‘Ampon ka na nga, kukuha ka pa ng ampon?’ Gusto po niya ay anak ko talaga,” katwiran ng dalaga. Mapapanood na sa sinehan ang “That Thing Called Tanga Na” sa Agosto 10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending