Bea inatake ng nerbyos sa love scene nila ni Gerald sa pelikula | Bandera

Bea inatake ng nerbyos sa love scene nila ni Gerald sa pelikula

Reggee Bonoan - July 18, 2016 - 12:01 AM

 

bea alonzo at gerald anderson

SAKTO ang titulo ng pelikulang “How To Be Yours” nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na idinirek ni Dan Villegas sa nakaraang relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Hindi naman itinanggi ni Gerald na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ni Bea at aminadong nanghinayang siya sa pagkasira ng kanilang relasyon. “Oo naman, oo, ako. Sabi nga niya (Bea), immature at the same time, natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin, hindi ko alam paano i-handle. Walang third party sa paghihiwalay namin,” sabi ng aktor.

Taong 2010 ng maging sina Bea at Gerald, katatapos lang noon ng relasyon ng aktor kay Kim Chiu. Bagama’t maraming nakaalam na may relasyon sina Gerald at Bea ay hindi naman nila ito inamin agad dahil nga maraming hindi boto sa kanila lalo na sa pamilya ng aktor dahil si Kim pa rin ang gusto nila.

Inamin din naman ni Bea na hindi siya gusto ng ina ni Gerald kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit parati silang nag-aaway noon. At ngayong mature na pareho ang dalawa ay posible bang magkaroon ng part 2 ang “one season” nilang love story. Sagot ni Bea, “Hindi ko po masabi, e. Hindi ko po alam. Hindi naman po iyan ang iniisip namin. Ngayon, we’re just working on a project together na sobrang nag-e-enjoy kami.

“And I must admit nag-e-enjoy talaga akong kasama siya, like sometimes I look forward going to the set to see him, to see Direk (Dan). So, parang hindi ko kayang pumunta pa roon (balikan si Gerald) as of now. “Gusto ko lang i-embrace kung ano ‘yung nararamdaman ko ngayon, and that is enjoying every moment right now,” aniya pa.

For the record ay walang binabalikan si Bea sa mga naging ex-boyfriend niya kaya hindi niya masagot ang tanong ng entertainment press kung love is lovelier the second time around. “Hindi pa po siya nangyari sa akin, ang hirap kasing sagutin iyan. Ang hirap magsalita nang tapos. Pero hindi ko pa po siya napagdadaanan. Hindi pa siya dumarating sa buhay ko,” katwiran ng aktres.

Samantala, bagets palang pala si Gerald ay crush na talaga niya si Bea, talagang na-starstruck daw siya nang mapanood niya sa TV ang dalaga. Balik-tanaw ni Gerald, “Wala po akong kaalam-alam sa showbiz, hindi ako nakakaintindi ng Tagalog, pero ‘yung isang kaibigan ko nanonood siya ng TV sa amin ng soap, tapos nakita ko siya (Bea), ‘yung soap na Ikaw Ang Lahat Sa Akin, tapos sabi ko, ‘Sino ‘yan?’ Siya nga raw si Bea Alonzo.

“Galing akong Amerika, isang taon palang ako sa GenSan at mga 14 or 15 years old pa lang ako, tapos 16 years old naman siya,” kuwento pa ng binata. At ang reaksyon ni Bea, “Siyempre nakakababae, nakakakilig, pero nu’ng dati, sinasabi niya ‘yun sa akin, nu’ng una hindi ako naniniwala, kasi baka pick-up line lang niya, pero sa pagi-ging consistent niya in how many years, naniwala na ako.”

Kaya nu’ng naging girlfriend ni Gerald si Bea ay, “Sobrang unbelievable,” saad ng aktor. Hindi rin itinago ng aktor ang naramdaman niya ng magkita sila ni Bea sa unang araw ng shooting ng “How To Be Yours” na unang movie project nila.

“Nu’ng nag-shooting nga kami, first day namin, sobrang hirap na hirap ako, hindi ako makapaniwala na nu’ng kaeksena ko siya (Bea), unang eksena namin, lalabas siya ng gas station at may dala siyang kape, pagharap ko sa kanya, ‘hala-hala, sabi ng isip ko, oh no, oh no’, anong nangyayari as in natulala ako. Sobrang grateful ako na nilagay ako ni Papa God sa ganitong sitwasyon,” kuwento ng aktor.

Ano naman ang naramdaman ni Bea? “Noong una, to be honest, sobrang weird niya. First day, sobrang weird ng feeling, kasi hindi naman kami sanay na nakikita niyong lahat together dati. “Ngayon, it’s for work. It’s not supposed to be weird, but it was. So, siguro nagru-root iyon sa hindi nga kami sanay na kausap ninyo lahat na magkasama. Dati, lahat parang nae-evade, di ba?

“But now, sobrang kumportable na namin sa isa’t isa. At sana makita niyo yun sa pelikula pag pinanood niyo,” dagdag ng dalaga. Nakita na ngayon ni Bea ang malaking pagbabago sa leading man niya, “Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-mature si ‘Ge, sobra. Ang ganda ng growth niya. Alam mo na may mga natutunan siya sa mga pinagdaanan niya.

“So, mas naa-admire ko siya ngayon for that. And that he’s a better person now, aside from the fact that he’s cute,” kuwento ni Bea habang nakatingin sa kanya ang dating boyfriend. Single ngayon si Gerald kaya tinanong siya kung naghahanap siya ngayon ng karelasyon, “Hindi naman po ako naghahanap ng girlfriend, but hindi naman nakasara ang pinto at open naman sa posibleng mangyari sa buhay which is siguro lang, naka-focus ako sa ibang bagay. Wala, eh. Walang oras, ang dami ko kasing commitment sa career at sa ibang ginagawa,” sagot ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May love scene ba sina Gerald at Bea sa “How To Be Yours”? “Meron. Kasi ano siya, e, istorya siya ng isang relasyon, anatomy of a relationship nga. So, meron,” sagot ng aktres. Anong preparations ang ginawa niya? “Noong una, kabang-kaba ako. Siyempre naman, pag eksena namang ganyan, lalo na kapag babae ka, nakakakaba naman talaga.

“Pero eto na yata ang pinaka-nakakatawang love scene na nagawa ko. Kasi bigla na lang siyang magma-macho dance na ganyan. So, talagang matatawa ka na lang, kaya ang light lang ng approach. Nu’ng ginawa niya ‘yung macho dancing, mas naging kumportable ako, mas naging fun na siya,” natatawang kuwento ni Bea. Kaya bossing Ervin, watch natin ang “How To Be Yours” sa Hulyo 27 ha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending