Coco bilib na bilib kay Cesar: Sana maabot ko kahit kalahati lang ng narating niya! | Bandera

Coco bilib na bilib kay Cesar: Sana maabot ko kahit kalahati lang ng narating niya!

Reggee Bonoan - July 16, 2016 - 12:01 AM

coco martin at cesar montano

SAYANGbossing Ervin at hindi ko inabutan ang teaser ng magandang eksena nina Coco Martin at Cesar Montano sa FPJ’s Ang Probinsyano na puring-puri ng lahat ng dumalo sa ginanap na “Ang Pasasalamat” presscon ng programa.

Tinanong si Coco kung ano ang masasabi niya kay Cesar na kilalang magaling sa drama at aksyon, “Napakagaling, di lang sa action kungdi pati sa drama, sa lahat. Napaka-relax niyang artista, sabi ko nga, seasoned actor ‘yan, napakarami kong matututunan saka sobrang bait niya. ‘Yung respeto talaga, nu’ng nakita ko siya, di ko napigilan niyakap ko siya,” nakangiting sabi ni Coco.

Dagdag pa ng aktor, “Siyempre si Kuya Buboy, Cesar Montano yan, di ko puwedeng biguin ang mga tagahanga niya. Kumabaga gagawin namin ang pinaka the best, ‘yung pinakamagandang fight scene. Pag tinitingnan ko nga siya, sana balang araw, sana kahit kalahati lang ng naabot niya, maabot ko.”

Naikuwento rin ni Coco na isa sa mga naging pelikula ni Cesar na talagang gustung-gusto niya ay ang “Utol” kung saan kasama rin si Victor Neri. Kaya nasabi ng Primetime King na gusto niyang i-remake ang nasabing pelikula.

“Kami ni Kuya Buboy, pag nag-a-advice siya sa akin, ‘Sana balang araw di lang ito ang mapagsamahan natin, sana makagawa rin tayo ng pelikula. Gustung-gusto ko yung pelikula ninyo dati ni Victor Neri, ‘yung Utol.’ “Sabi niya, ‘E, di gawin natin, marami ang ganu’ng kuwento na ano, i-remake natin,” ani Coco.

Samantala, muling magsasama sina Coco at Vice Ganda sa pelikula na entry ng Star Cinema sa 2016 MMFF. Tinanong namin kung sequel ba ito ng “Beauty And The Bestie” dahil nga same cast at crew pa rin, minus direk Wenn Deramas. Ang balita namin, si Joyce Bernal na ang magdidirek nito.

Sagot ni Coco, “Pinagmi-mitingan pa ng Star Cinema. Ang problema nu’ng last time di ako nakaupo du’n sa meeting. After ng success ng ‘Beauty And The Bestie’, sabi ko nga sino pa ba magtutulungan kungdi kaming dalawa.”

Wala pa kaming balita kung ano na ang update ng pinagmitingan ni Coco at ng mga executives ng Star Creative para sa pelikula nila ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending