AlDub fans 'nagwala' sa ending ng pelikula nina Alden at Maine | Bandera

AlDub fans ‘nagwala’ sa ending ng pelikula nina Alden at Maine

Reggee Bonoan - July 13, 2016 - 04:43 PM

Photo:  Don Lejano, Inquirer.net

PINIPILAHAN na ngayon ng AlDub Nation ang “Imagine You And Me”. Imagine, as early as 9 a.m. kanina ay dagsa na sa mga sinehan sa mall ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza para panoorin ang pelikula na idinirek ni Mike Tuviera produced ng APT Entertainment GMA Films at MZet Films.

Nakita rin namin ang mahabang paikot na pila sa Robinson’s Malolos kanina at take note, sold out agad ang 11 a.m. screening ng movie. May ibang sinehan ding na-post sa hashtag #ALDUBImagineYouAndMe na sobrang haba rin ng pila sa mga sinehan outside Metro Manila. Naniniwala na kaming magiging box-office ang “Imagine You And Me”  base na rin sa nasaksihan naming pagsuporta ng AlDub Nation sa kanilang mga idolo during the premiere night kagabi sa SM Megamall. Napakaraming hindi nakapasok sa Cinema 9 and 10 ng Megamall na naghintay talaga sa labas hanggang sa matapos ang pelikula sa pag-asang makikita nila up close and personal sina Maine at Alden. Hindi lugi ang mga manonood sa “IYAM” dahil maayos ang pagkagawa sa pelikula, malinaw ang kuwento, kasing linaw ng pagkakadirek ni direk Mike at paggamit nito ng mga magagandang lugar sa Italy bilang backdrop ng movie na hindi pa namin napanood sa ilang pelikulang Pilipino . Magastos ang pelikula dahil halos sa Italy kinunan ang kabuuan nito, bukod pa iyan sa mga artista at 38 staff and crew na dinala ng mga producer doon. Bongga ang pelikula dahil hindi ito tinipid. Siguradong mag-eenjoy ang AlDub fans sa pelikula, naksentro talaga ang kuwento sa mga karakter nilang sina Gara at Andrew na itinadhanang magkakilala sa Italy para magkaroon ng espesyal na relasyon. Nandoon si Gara para magtrabaho at makatulong sa kanyang pamilya, at para na rin mahanap ang kanyang “Romeo” (feeling niya siya si Juliet), habang si Andrew naman ay naroon para sundan ang girlfriend na si Isay (Jasmine Curtis)  matapos tanggihan ang kanyang marriage proposal. q q q Nagsimula ang kanilang love story nang biglang tangayin ng isang snatcher ang bag ni Andrew, hinabol nito ang magnanakaw. Nakita rin ni Gara ang nangyari kaya hinabol din nito ang snatcher. Nahabol ni Gara ang magnanakaw at na-recover ang bag ni Andrew. Ang problema niya, paano niya ito ibabalik sa binata. Hanggang sa magkita sila sa bahay ng isang Pinay na pinaglilingkuran ni Gara (ginagampanan ni Irma Adlawan) na stepmother pala ni Andrew. Inakala ng binata na kasabwat ni Gara ang snatcher kaya galit na galit siya sa dalaga. May drama moment dito si Maine na pinalakpakan ng mga nanood sa premiere night. Ang big twist sa kuwento, ang isa pang amo pala na pinaglilingkuran ni Gara (Jasmine Curtis) ay ang ex-GF ni Andrew na may leukemia at may taning na ang buhay. Hindi na namin ikukuwento ang mga sumunod na eksena para hindi mawala ang surprise ni direk Mike sa fans nina Alden at Maine, lalo na ang ending na tiyak na ikaloloka ng manonood. Maraming nakapansing magkahawig sina Alden at John Loyd Cruz pati sa pananamit. Sa acting, siyempre mas lamang pa rin ang Kapamilya star, pero given a chance ay puwedeng humabol ang Kapuso actor sa level ni Lloydie. Okay lang ang akting ni Maine para sa isang baguhan, gusto rin namin ang pagiging natural niya – hindi kasi siya conscious kung hindi na siya maganda sa kamera lalo na sa kulitan nila ni Alden sa ilang eksena. Pero in fairness, humanga kami sa pagsasalita niya ng Italian. Kuwela naman ang mga eksena nina Kakai Bautista at Cai Cortez bilang mga kaibigan ni Maine. Sila ang mga tagapakinig at tagapayo kay Maine lalo na nu’ng magkaproblema na sila ni Alden. Sakto lang ang acting ni Jasmine bilang isang leukemia patient na malapit nang mamatay, lalo na nu’ng muli silang magkita ni Alden. At dahil nga sa lakas ng pelikula nang magbukas ito kahapon sa mga sinehan, may nagkomento na posible nga kayang umabot sa P1 billion ang  kita ng movie, idagdag pa ang mahigit 100 block screenings na naka-schedule na. Hindi pa kasali riyan ang international screenings sa iba’t ibang panig ng mundo.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending