Ariel Rivera laging bokya, pinagdadamutan ng acting award
MARAMING loyalistang supporters si Ariel Rivera ang nagtatanong kung bakit hindi raw ito nabibigyan ng award sa kahit anong award-giving body sa bansa, ni hindi rin daw nano-nominate ang mister ni Gelli de Belen.
Oo nga, napaisip din kami, sa tagal na ni Ariel sa larangan ng pag-arte ay bakit nga ba hindi siya napapansin ng mga award-giving body? Hindi na ba siya qualified ngayon? Puwede naman siyang ma-nominate kahit sa best supporting actor category lalo na sa mga seryeng ginampanan niya tulad ng Doble Kara bilang adoptive father nina Kara at Sara na ginagampanan ni Julia Montes.
Pinatay na ang karakter ni Ariel sa Doble Kara bilang si Ishmael dahil inilagay na siya sa primetime series na Born For You bilang asawa ni Ayen Munji-Laurel at ama at manager ni Elmo Magalona.
Para sa amin, effective aktor naman si Ariel sa lahat ng teleseryeng ginagawa niya, kaya bakit kaya hindi siya napapansin sa Star Awards ng PMPC o ng Golden Screen Awards ng Enpress?
Ang alam naming mga naging award na ni Ariel ay Best New Male Artist sa Awit Awards noong 1992; Best Performance by a New Male Recording Artist (1992); Best Supporting Actor para sa “Bakit Labis Kitang Mahal”, 1992 MMFF; Music Video of the Year for “Tunay Na Ligaya” (1997); Best Vocal Performance of the Year by a Duet/Group para sa “I Don’t Love You Anymore” with Lea Salonga (1999); Outstanding Lead Actor for “Forever In My Heart” (2nd Golden Screen Awards, 2005); at Best Actor para sa “Parola” (Bahaghari Awards).
“Sana mapansin na siya this time sa Born For You, dahil ang galing din niya du’n,” sabi sa amin ng ka-chat naming loyal friend ng aktor-singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.