Brillante Mendoza nagmakaawang panoorin ng Pinoy ang ‘Ma’ Rosa’ para di tsugihin sa sinehan
Nanawagan ang direktor ng pelikulang “Ma’ Rosa” na si direk Brillante Mendoza na supportahan ang kanilang pelikula dahil posibleng tanggalin na ito sa mga sinehan ngayong linggo.
Narito ang mensaheng ipinost ni direk Brillante sa kanyang Instagram at Facebook account: “I would like personally thank everyone who watched our film ‘Ma’ Rosa’. “We are grateful wd your support and positive reviews.
However, we are on a brink of being pulled out in some cinemas due to lack of audience. Therefore, I am urging especially, those who haven’t seen the film to please watch Ma’ Rosa. Still showing in select theaters.”
Matatandaang nasulat namin dito na may ilang foreign at local films ang hindi kumita nitong nakaraang linggo kabilang na nga ang pelikula ni direk Dante at nabanggit din ng nakatsikahan naming supervisor ng sinehang napagtanungan namin kung anong mga pelikula ang kumita at hindi na nagbukas noong Hulyo 6.
Mas type raw ng tao na panoorin ang mga suspense, thriller at horror tulad ng “Purge” at ang pinaghalong katatawanan at katatakutan, ang “I Love You To Death”. Extended naman ang ilang foreign film na patuloy na kumikita sa takilya kabilang na ang “Achy Breaky Hearts”, “Independece Day”, “The Conjuring”, “Finding Dory” at “Now You See Me”.
Balitang matumal din ang bents ng tiket sa “Ice Age” at “Alice Through The Looking Glass”. Hindi pa rin namin napapanood ang “Ma’ Rosa” at hopefully this week ay maabutan pa namin ito. Gusto rin naming makita ang award-winning performance ni Ms. Jaclyn Jose sa movie kung saan nanalo siyang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.