Pelikula nina Kiray at Enchong pinadapa ang ilang Foreign Films
KAHIT sa 50 sinehan lang palabas ang “I Love You To Death” nina Kiray Celis at Enchong Dee ay lumaban pa rin ito sa takilya against some foreign films na hindi naman daw pinapasok ng mga manonood.
Nagtanong kami sa mga takilyera ng Trinoma Cinema, Gateway Cinema, Alimall Greenhills cinema at sinabi ngang malakas daw ang pelikula nina Kiray at Enchong. Kaya nga raw nagdagdag kahapon ng sinehan sa Metro Manila at ilang probinsya para ma-accommodate ang “I Love You To Death.”
Tinanong nga namin ang mga kausap naming talkilyera kung anong tatanggaling foreign film, pero hindi kami sinagot dahil bawal daw, pero binanggit sa amin kung anu-ano ang mga mahinang pelikula, at kasama nga raw diyan ang local film na “Ma’Rosa”
Kaya naman masaya si Mother Lily Monteverde sa balitang may additional na sinehan para sa kanilang pelikula. Hindi kami binigyan ng figures sa first day ng “I Love You To Death” dahil wala si Roselle Monteverde-Teo na siyang allowed magsabi. Samantala, sa next movie naman ni Kiray ay makakasama niya ang Pasion de Amor boys.
Yun lang, hindi pa maumpisahan ang shooting dahil, “Busy lahat ang Pasion boys, like si Joseph (Marco), busy sa movie nila ni Alex Gonzaga, si Jake (Cuenca), may ginagawa rin, same with Ejay (Falcon). Kaya waiting pa si Kiray sa kanila,” say ng aming source. Buti na lang may raket din si Kiray habang hinihintay kung kailan open na ang schedules ng mga leading man niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.