Lihim ng AlDub ibinuking nina Kakai at Cai | Bandera

Lihim ng AlDub ibinuking nina Kakai at Cai

Reggee Bonoan - July 07, 2016 - 12:05 AM

maine mendoza at alden richards

SA nakaraang presscon para sa launching movie nina Maine Mendoza at Alden Richards na “Imagine You And Me” ay nagkabukingan na mahirap daw katrabaho ang una dahil nag-adjust daw lahat ng tao sa set kasi nga first time niyang umarte sa harap ng camera.

Iba naman daw kasi ang sa pelikula at ‘yung pagda-dubsmash niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Pero kaagad namang ipinagtanggol si Maine ng mga kasama niya sa movie dahil sobrang saya raw nila lagi sa set at wala silang maiaangal sa dalaga.

Natanong naman sina Cai Cortez at Kakai Bautista kung ano ang masasabi nila sa AlDub. Pero bago nagkuwento ay ibinahagi muna nila na noong i-offer sa kanila ang pelikula ni direk Mike Tuviera ay wala silang alam kung sino ang makakasama nila. Na-shock na lang daw sila nang makita sina Maine at Alden sa story conference.

At sa shooting daw sabi ni Cai, “Sobra ang energy ng dalawang iyan. Antok na kaming lahat, sila gising pa, lalo si Maine, ewan kung saan niya kinukuha ang kakulitan niya. Si Alden naman, kahit antok na rin, palagi lang nakangiti.

“Pero talagang tuwang-tuwa ako nang malamang sila ang makakasama namin. It’s a privilege and honor to work with the phenomenal couple at alam kong maraming gusto rin silang makatrabaho. “Nakita kong totoo silang tao at walang reklamo sa trabaho. Ang hindi ko malilimutan, iyong noong dapat magsu-shooting na ako with them at hindi ako available, sila pa ang nag-adjust sa schedule ko. Bakit naman hindi mo sila mamahalin, tulad ng pagmamahal ng mga fans nila sa kanila.”

Kuwento naman ni Kakai, “Ako naman, hindi na nagtanong kung sino ang kasama ko sa movie. Pero nang makita ko nga sila, lalo na si Alden na ang guwapu-guwapo, sino ba ang tatanggi? “Pero iyon, nakita namin kung paano sila katrabaho. Ako nga sanay na sa puyat, pero itong dalawang ito, iba ang energy, mahihiya kang hindi sila sabayan,” dagdag nito.

Si Jasmine Curtis na kasama rin sa movie ay todo papuri rin kina Alden at Maine, lalo na sa pagiging professional ng mga ito. Mapapanood na ang “Imagine You And Me” sa Hulyo 13 mula sa APT Entertainment Inc., GMA Films at M-Zet TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending