Kilalang female star suplada sa personal, inisnab ang mga estudyante na nasa mall | Bandera

Kilalang female star suplada sa personal, inisnab ang mga estudyante na nasa mall

Reggee Bonoan - July 05, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415

HINDI man lang pinansin o binati ng batang aktres ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya habang nagbabayad ng pinamili sa isang sosyal na mall sa Quezon City. Namukhaan kasi ng ilang naroon ang batang aktres at gusto nilang samantalahin ang pagkakataon na makapagpa-picture, pero hindi ito namansin kaya umalis na lang ang mga estudyante.

Nakakaloka naman pala ang young actress na ito, supladita pala sa personal. At talaga sigurong itinago niya ang kanyang mukha dahil nakasuot pa siya ng baseball cap. E, imposible namang hindi siya makilala – ang kapal ng make-up niya with matching lipstick na pulang-pula. Kakaiba rin ang kulay ng buhok niya sabay naka-shorts pa ng hapit na hapit kaya bakat na bakat ang kanyang harapan.

Anyway, bulungan naman ng ilang naroon, maliit lang daw pala ang batang aktres sa personal at bakit daw kailangan pa niyang mag-cap, “Maganda naman siya, bakit ayaw ipakita ang mukha?” Oo nga, bakit nga ba? Ay correction lang, hindi na pala siya bata, dalaga na ang aktres dahil nag-debut na siya, sadyang maliit lang kaya napagkakamalang bagets pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending