Erik, Kyla, Yeng nagbalik-tanaw sa pagsisimula ng career | Bandera

Erik, Kyla, Yeng nagbalik-tanaw sa pagsisimula ng career

Reggee Bonoan - July 03, 2016 - 12:05 AM

kyla yeng constantino at erik santos

MAPAPANOOD nang live ngayong Linggo ang pagbibigay pugay ng ASAP para sa Original Pinoy Music (OPM) sa bagong segment na ASAPinoy sa Resorts World Manila.

Bawat buwan ay mapapanood sa ASAPinoy ang tribute sa master series at pangungunahan ngayong buwan ng Hulyo ni Gary Valenciano ang tribute kay Maestro Ryan Cayabyab. Kasama rin sa bibigyan ng OPM tribute sina Louie Ocampo, Willy Cruz at George Canseco.

Kahilera ng ASAPinoy segment ang linggu-linggong inaabangan na ASAP Birit Queens na binubuo nina Jona Viray, Morissette Amon, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto, ASAP Soul Sessions naman ang tawag kina KZ Tandingan, Kyla, Daryl Ong, Jason Dy at Jay-R, join din si Jolina Magdangal sa ASAP LSS o Love Songs & Stories.

Sa ginanap na presscon ng ASAP na umabot na pala ng 21 years ay natanong ang mga kasama sa programa kung ano ang naging journey nila sa show at nasaan sila noong una itong umere. Sabi ni Erik Santos, “Estudyante po ako noon sa high school, day 1 palang po ng ASAP, big fan na ako. Naalala ko po, noong college na ako, nag-absent ako ng ROTC para lang makapanood sa ASAP.”

Ayon naman kay Jason Dy, “Ako po, fan din po ako ng ASAP kahit po ‘yung mga replay sa Jeepney TV, napapanood ko ‘yung lumang episodes, sina sir Martin (Nievera), sir Gary, si Ms. Pops (Fernandez), si Ms. Dayanarra Torre. Ini-schedule pa namin ng family ko na every Sunday, kailangan maaga kaming magsimba para by lunch time, makauwi na po kami.”

“Five years old po kasi ako noon, hindi pa po ata ako marunong manood ng TV kasi nasa kalye ako, so ‘yung time na ‘yun, hindi pa po ako kumakanta, 6 years old po ako nag-umpisang kumanta-kanta,” kuwento naman ni Angeline.

Sabi ni Klarisse, “Ako po 3 years old palang noon, hindi ko pa po napapanood siguro Bananas and Pajamas palang noon. Pero nu’ng natuto na po ako manood, parati na akong nakaabang sa ASAP pag lunch. Ang sarap po kumain ng lunch habang nanonood ng ASAP at napapanood ko ‘yung mga idols ko na ngayon ay kasama ko na.”

Tawanan naman ang lahat nu’ng si Jonalyn o Jona na ang sumagot dahil galing nga siya sa kalabang programa, “5 years old po ako noon, Sanliggo NAPO sila pa ‘yun. Siyempre po, wala pa akong masyadong kamalayan na dito rin pala ako mapupunta after 21 years, very happy po.”

At sa tanong kung pinapanood din noon ni Jona ang ASAP maski nasa kabilang network siya, “Sume-segue po, dalawa po TV sa backstage (ng GMA), pag may time po na hindi kami nakakapag-live noon sa SOP, ‘yun nakakapaglipat po kami ng channel.

Tanong ulit kay Jona, ano ang reaksiyon niya na nilalampaso noon sa ratings game ng ASAP ang programang kinabibilangan niya noon, “Ay malakas po ang SOP that time,” sabay tawanan ang lahat. Hirit ni Erik, “Oo malakas noon ang SOP, pero nu’ng dumating na ang Champions (Erik, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista at Rachelle Ann Go), wala na, nabawi na namin.”

Wala nang nasabi si Jona pero kaagad naman siyang sinalo ni Gary, “Regardless of what she came from, look what she is now.” At nagpasalamat naman ang dalaga. Kuwento naman ni Yeng, “Pareho kami ni Angge 6 years old palang ako noon, parang wala rin kaming ulirat sa TV, nu’ng una akong nanood ng ASAP, parang hinati kasi may mga teenagers na sumasayaw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At si Kyla na galing din sa SOP, “Bago po ako nag-SOP dati, madalas po ako sa ASAP, dito rin ako nag-launch ng first album ko na ‘Hanggang Ngayon’, nag-roundtrip lang pala ako.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending