Jake, Joseph, Ejay susunod na mga leading man ni Kiray | Bandera

Jake, Joseph, Ejay susunod na mga leading man ni Kiray

Reggee Bonoan - June 29, 2016 - 12:10 AM

kiray celis ejay jake at joseph

AY, ang guwapo na ngayon ni Joseph Marco, hindi na rin makapal ang kanyang buhok na nakakabawas sa kanyang pagiging hunk. Hindi na rin mukhang troll ang kayang hair kaya lutang na lutang na ang kanyang kaguwapuhan.

Kasama ng magkapatid na Arjo at Ria Atayde si Joseph sa Style Origin Festival sa Trinoma Activity Center noong Linggo at pinansin agad namin ang new look niya. Ang napangiting reaksiyon ng binata, “Para po sa movie namin ni Alex (Gonzaga), kailangan ko pong mag-trim down.”
Pero ang laki naman ng ipinayat ni Joseph at humpak din ang kanyang pisngi kaya sabi namin ay parang napasobra yata ang pagda-diet niya, at napangiti lang ang aktor.

Bukod pala sa pelikula nila ni Alex ay kasama rin ang aktor sa susunod na pelikula ni Kiray Celis kung saan bibida rin ang mga co-stars niya noon sa seryeng Pasion de Amor na sina Jake Cuenca at Ejay Falcon.

Ang taray talaga ni Kiray, huh? Pagkatapos ni Derek Ramsay sa “Love Is Blind”, at may Enchong Dee pa sa “I Love You To Death” na ipalalabas na sa Hulyo 6 ay heto’t may follow-up na agad siya with Joseph, Ejay at Jake?! Napangiti naman si Joseph sa komento naming, “Ang ganda-ganda ni Kiray ha! Ang guguwapo ng leading man niya.”

As of now ay walang regular TV show si Joseph sa ABS-CBN kaya puwede siyang gumawa ng pelikula sa ibang movie outfit. Nalaman din namin na hindi pa pala nakakagawa ng pelikula si Joseph sa Star Cinema maliban sa “Talk Back And You’re Dead” na co-produced naman ng Viva Films.

Maganda ang katwiran ng aktor, “Baka po hindi pa time, saka marami po kasing artista ang ABS, siguro one at a time. Willing naman po ako maghintay.” Sabagay, sobrang dami na nga ng mga artista sa ABS-CBN at siyempre, ang uunahing bigyan ng pelikula ay ang mga money-makers ng network dahil business ito, di ba, bossing Ervin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending