Sikat na aktor sobrang yabang, nilalayuan na ng mga kaibigan | Bandera

Sikat na aktor sobrang yabang, nilalayuan na ng mga kaibigan

Reggee Bonoan |June 29,2016
facebook
share this

Sikat na aktor sobrang yabang, nilalayuan na ng mga kaibigan

Reggee Bonoan - June 29, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM MALE 0329

HINDI na kami nagtaka nang iwasan ng mga kaibigan niyang kapwa artista ang isang kilalang aktor dahil sa sobrang kayabangan. Sa umpisa pa lang na ipakilala noon sa amin ang aktor ay hindi na talaga namin siya gusto dahil nga natunugan na naming may kahambugan ito lalo na nang mapasama pa siya sa isang reality show.

Aksidente lang namin nalamang iniiwasan din pala siya ng kanyang mga kaibigan nu’ng magtanong kami kung bakit hindi na siya kasama ng isang grupo ng celebrities sa isang showbiz event tulad noon. “Malabo kasi siya, feeling niya, siya ang pinakasikat sa grupo, e, kung tutuusin, mas sikat sa kanya ang mga kasama niya, tapos kung umasta akala mo siya bida.

“Akala niya nasa teleserye pa rin siya na kapag magkakasama kami, siya ‘yung hinihiyawan. Samantalang lahat kaming mga kasama niya, simple lang. Actually, nakakasama pa rin siya, pero umiiwas na kami, nagkataon na hindi pala siya gusto ng lahat,” paliwanag sa amin.

Susme, bago magyabang at mag-feeling ang kilalang aktor, e, ayusin muna niya ang pag-arte niya dahil hanggang ngayon ay waley pa rin siyang ibubuga. Well nag-improve naman siya kahit paano pero hindi pa rin ‘yun sapat para magyabang siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending