Bunsong kapatid ni Arjo sanay na sanay sa showbiz | Bandera

Bunsong kapatid ni Arjo sanay na sanay sa showbiz

Reggee Bonoan |June 28,2016
facebook
share this

Bunsong kapatid ni Arjo sanay na sanay sa showbiz

Reggee Bonoan - June 28, 2016 - 12:35 AM

atayde family

SPEAKING of Style Origin Festival ay kasama rin sa rumampa ang bunsong kapatid nina Arjo at Ria Atayde na si Xavi kaya naman proud parents sina Art at Sylvia Sanchez.

Hindi na nakahindi sina Papa Art at Ibyang nang kuning model ang bunso nilang anak para sa Cotton On Kids. Kuwento ni Ibyang, “Binilinan ko na lagi siyang mag-smile, kasi alam mo na, bata, baka sumpungin lalo na pag napagod. Sabi ko, ‘Xavi, always smile and show them your dimples.’ Sagot sa akin, ‘I’m always smiling mom, don’t tell me what to do, I know.’

Hindi naman nawawala ang ngiti at saya ni papa Art ng sandaling iyon habang pinapanood ang bunsong anak na rumarampa sa entablado at pinapalakpakan ng audience. Sabi ni papa Art, “Oo nga, wala na akong magawa, malakas ang dugo ni Jojo (tunay na pangalan ni Ibyang).” Sabi naman ng lola ng magkakapatid na Atayde na si Mamita Pilar Atayde, “Hay, Arturo, wala, puro artista ang mga anak mo, walang gustong magnegosyo.”

Samantala, natatanging si Gela (pangatlong anak nina papa Art at Sylvia) ang ayaw pasukin ang showbiz, “I wanna be different tita, I want to study in Julliard School of Dance in New York (USA), then I want to put up my own dance school for kids here in the Philippines after I graduated,” sabi nito sa amin. Pero noong bata ay gustung-gustong pasukin ng dalagita ang showbiz dahil sobrang idol niya ang kanyang mama lalo na nu’ng pumasok na rin ang kuya Arjo at ate Ria niya.

“Yes po tita, at that time I want to enter showbiz, but I couldn’t because I’m still in school. I want to start early sana, but I can’t,” paliwanag ni Gela. Hindi kasi puwede sa eskwelahang pinapasukan ni Gela ang mga estudyante na napapanood sa TV o commercials. Samantala, walang taping para sa FPJ’s Ang Probinsyano si Arjo dahil concentrated muna sa patapos na mga eksena ni Angelica Panganiban at sa papasok nilang guest na si Cesar Montano.

“Kaya tita, I have time to play soccer, ito lang ang pinaka-exercise ko, this is the reason why I lose weight talaga,” ani Arjo. At si Ria naman ay naghahanda para sa projects na gagawin niya kaya diet daw muna siya at panay ang exercise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending