PBB Big Winner nasilipan habang rumarampa sa mall fashion show | Bandera

PBB Big Winner nasilipan habang rumarampa sa mall fashion show

Reggee Bonoan |June 28,2016
facebook
share this

PBB Big Winner nasilipan habang rumarampa sa mall fashion show

Reggee Bonoan - June 28, 2016 - 12:25 AM

miho and tommy

HIYAWAN ang mga tao sa Trinoma Mall noong Linggo ng hapon habang rumarampa si Pinoy Big Brother 737 alumna Miho Nishida sa ginanap na Style Origin Festival dahil biglang lumabas ang kanyang bra.

Grabe ang tilian nang lumabas si Miho na in fairness ay ang ganda-ganda ng sandaling iyon at dahil siguro natuwa ang Kapamilya celebrity sa response ng audience sa kanya kaya mas lalo pa siyang ginanahang mag-perform.

Talagang kumendeng-kendeng at panay ang taas ng kamay at super emote siya sa entablado, ang ending natanggal ang strap ng suot niyang blouse na hindi niya agad napansin. May sumenyas lang kay Miho kaya mabilis niyang inayos ang strap ng blouse at ipinagpatuloy pa rin ang pagrampa kaya maraming natuwa sa ka-loveteam ng isa pang ex-PBB housemate na si Tommy Esguerra.

Hinahanap naman ng tao si Tommy pero hindi namin siya nakita nu’ng oras na iyon. Present din sa event si Daniel Matsunaga na tinilian din ng mga tao. Samantala, marami kaming nakitang familiar faces na taga-showbiz sa nasabing event na hindi namin matandaan ang mga pangalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending