Kilalang personalidad hinahanting na ng mga taong inagrabyado; Maraming naloko | Bandera

Kilalang personalidad hinahanting na ng mga taong inagrabyado; Maraming naloko

Reggee Bonoan - June 26, 2016 - 12:25 AM

blind item

ANG tindi ng kilalang personalidad pagdating sa paggawa ng kuwentong kutsero, nagagawa kasi niyang palabasing totoo ang isang bagay na walang katotohanan.

At naniniwala naman ang lahat sa kanya dahil with conviction talaga kapag nagsasalita siya, kung anu-ano pa ang binabanggit niyang pruweba. May mga inosenteng tao rin na nadadamay sa mga pinagsasabi ng kilalang personalidad.

Kaya naman nagtataka ang ilang taong kakilala ng personalidad kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para makagawa ng kuwentong kutsero, lalo na sa pinansiyal na aspeto ng kanyang buhay.  Sabi sa amin ng nakakakilala sa personalidad, “Mahirap makipagtalo sa expert, kaya kung kayang iwasan, iwasan mo na lang kesa maistorbo ka at wala naman kapupuntahan ang away o gulo.”

Marami raw kuneksyon ang kilalang personalidad kaya nakakagawa siya ng mga kuwentong walang katotohanan pero naniniwala naman ang ibang nagawan na nito ng hindi maganda na may hangganan ang lahat at makakakuha ng katapat ang nasabing personalidad.

Samantala, kasalukuyang maraming taong naghahanap ngayon sa kilalang personalidad na nagawan niya ng atraso dahil wala na ito sa dati niyang tinitirhan. Ibig bang sabihin nito, nagtatago na ang nasabing personalidad dahil alam niyang hinahanting na siya ng mga taong naagrabyado niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending