Buntis agad? Ako, naniniwala na virgin pa si Sarah!- Juday | Bandera

Buntis agad? Ako, naniniwala na virgin pa si Sarah!- Juday

Reggee Bonoan - June 23, 2016 - 12:01 AM

judy ann santos at sarah geronimo

SOBRANG happy si Judy Ann Santos para kay Sharon Cuneta dahil sa patuloy na pagpayat nito. Napapanood kasi niya ang Megastar sa The Voice Kids Season 3 bilang isa sa mga coach.

Nakausap namin si Juday nang dalawin namin sa last shooting day ng pelikulang “Kusina” na entry sa 2016 Cinemalaya na magsisimula sa Agosto. Tinanong namin ang “kapatid” ni Sharon tungkol sa pagbabago ng pigura nito. “Proud ako kay ate kasi matagal ko nang sinabi sa kanya na kaya niya ‘yan (magpapayat), sobra ‘yung faith ko na kaya niyang mag-loose ng weight.

“So bigyan lang siya ng chance at huwag siyang i-pressure, I’m sure kaya naman niya, I’m so happy for her, super happy talaga ako kay ate kasi, she’s back on track, alam mo ‘yung fighting form na siya, may album, may TV show, may endorsements, I’m so happy talaga kasi deserving siya sa lahat ng blessings na ito, at hindi siya puwedeng mawala (sa limemight).

“Maski sinumang ‘star’, Diamond Star, Megastar, Superstar, Star for All Seasons, they deserved to be there, hindi sila puwedeng mawala,” pahayag ng tinatawag namang Young Superstar. At dahil tinawag na Popstar si Sarah Geronimo ay natanong ang isa sa ate ng singer/actress kung ano ang masasabi niya dahil mawawala ng dalawang buwan ang dalaga.

“Lahat ng ‘stars’ nagpapahinga kaya ibigay natin iyon sa kanya kasi unfair naman na nagpahinga lang, buntis (tsismis kay Sarah) agad? “Sabagay ako ilang beses ba akong naintrigang mabubuntis nu’ng dalaga ako, kaya bigyan natin siya ng chance magpahinga kasi nu’ng time naman na dire-diretso siyang nagtatrabaho, hindi naman tayo nakakarinig sa kanya.

“So, ngayong nagpapahinga siya, wala tayong karapatang magreklamo, deserved niya ‘yun,” pagtatanggol ni Juday sa kanyang little sister sa showbiz. Duda ng lahat gusto nang magpakasal ni Sarah sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli kaya natanong si Juday kung aware siya rito bilang isa sa malapit sa dalaga.

“She’s 27, she’s working since 15 o 14, ako naman din may mga burned out moments din nu’ng dalaga ako, ngayon lang mas lumalala ang dating ng isyu sa tao kasi ang daming nakikialam, nama-magnify ng social media, tapos lahat ng tao may opinyon, so I think (it’s) unfair na husgahan si Sarah kasi gusto lang nu’ng tao na magpahinga?

“Hindi pa puwedeng isipin natin na kaya niya gustong magpahinga, e, dahil gusto niyang mag-aral? Baka puwedeng iyon muna bago tayo mag-jump into conclusion na buntis siya? Yes gusto niyang bumalik sa pag-aaral, pinu-push ko siya, basta kung saan siya masaya, go, she deserves it. We’re really happy for her,” ani Budaday.

Paano kung totoo ang tsikang gusto na nga ni Sarah na mag-asawa? “27 na siya, puwede na siyang mag-decide kung ano ang gusto niyang gawin.”At ang reaksyon ni Juday sa sinabi ng manager ni Sarah na virgin pa ang aktres, “Naniniwala naman ako ro’n, bakit masama bang maniwala sa mga kaibigan na ganu’n sila?!” sagot ng aktres. “Ewan ko sa inyo, bakit ba ginagawa ninyong isyu?” natatawa pang dugtong pa ng misis ni Ryan Agoncillo.

q q q

Samantala, natanong si Juday kung sino sa mga sikat na loveteams ngayon ang gusto niyang makatrabaho tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo/Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano/Enrigue Gil), AlDub (Alden Richards/Maine Mendoza at JaDine (James Reid/Nadine Lustre).

In fairness sa ating Young Superstar, gusto raw niyang makatrabaho lahat, “Kung sinong available sa kanila, anytime puwede ako saka gusto ko rin malaman kung sino sa kanila ang naka-focus sa craft nila. At saka ‘yung tipong nasa side ka na sa mga ‘Titas of Manila’. Ha-hahaha! Kaya nag-e-explore ka na lang ng mga puwede mong gawin kaya I’m more than willing to work all of them,” sabi ng aktres.

Samantala, pagkalipas ng limang buwan sa panganganak ni Juday sa bunso nila ni Ryan na si Luna ay balik-trabaho na siya dahil ang tagal na niyang pinaghintay ang project na “Kusina” na sinulat ni Cenon O. Palomares na nanalong grand prize sa nakaraang 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2006.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Juday, inalok sa kanya ang “Kusina” dalawang taon na ang nakararaan, “Matagal nang nabinbin ito. Siguro nagtataka ‘yung mga tao kung bakit ang bilis kong bumalik kasi nu’ng si Lucho matagal talaga ako ulit gumawa.

“Naka-commit na talaga ako sa ‘Kusina’ two years ago pa, and I don’t want them to feel na hindi ko kayang tuparin ‘yung project. Gusto ko talagang gawin ‘yun project. Nangyari ito sa kusina, at saka hindi mahirap intindihin ‘yung story, hindi kumplikado na pag-iisipin ang mga manonood, dadalhin ka lang sa buhay ni Juanita (Juday), kung paano tumatakbo ang buhay niya,” kuwento pa ng aktres. Makakasama ni Juday sa movie sina Joem Bascon, Luis Alandy, Angeli Bayani, Elora Espano, Ms. Gloria Sevilla at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending