Dingdong sinorpresa ni Marian sa Father's Day; Gusto pa ng 3 anak | Bandera

Dingdong sinorpresa ni Marian sa Father’s Day; Gusto pa ng 3 anak

Ervin Santiago |June 21,2016
facebook
share this

Dingdong sinorpresa ni Marian sa Father’s Day; Gusto pa ng 3 anak

Ervin Santiago - June 21, 2016 - 12:05 AM

dingdong dantes at marian rivera

KUNG si Dingdong Dantes ang masusunod gusto niyang magkaroon pa ng tatlong anak kay Marian Rivera. Nitong nagdaang Father’s Day ay nag-post ang Kapuso Primetime King sa kanyang Instagram account ng ilang family photos na kuha nang mag-celebrate sila ng Father’s Day.

Maraming nag-comment sa nasabing IG post ni Dingdong, karamihan ay puro papuri sa cute na cute na anak nila ni Marian na si Baby Zia. Sey pa nga ng isang follower ni Dingdong sana raw ay mag-anak pa sila ni Marian dahil sayang ang kanilang napakagandang lahi.

Dito na nga sinabi ni Dong na kung kakayanin pa ng kanyang misis, tatlong baby pa ang gusto niyang buuin with his wife. Nagpasalamat din ang Kapuso actor kay Marian dahil sa mga inihandang sorpresa nito para sa Father’s Day celebration last Sunday.

“I still have a hangover from yesterday’s surprises. These two, who happen to be my employers, serve as a constant reminder that i have the best job in the world,” ang caption pa ni Dong sa isa sa mga IG photo na ipinost niya.

Kahit naman si Marian ay aminado na gusto niyang magkaroon ng maraming anak dahil type niya ang malaking pamilya. Hangga’t kaya raw niya ay handa siyang dalhin ang mga anak ni Dingdong. Natutuwa rin ang Kapuso Primetime Queen dahil talagang hands on ang kanyang mister kay Baby Zia sa kabila ng pagka-busy nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending