Male Personality nagparetoke kaya di kamukha ang mga anak | Bandera

Male Personality nagparetoke kaya di kamukha ang mga anak

Reggee Bonoan - June 19, 2016 - 12:10 AM

BLIND ITEM MALE 0504

IBANG-IBA na ngayon ang itsura ng isang personalidad kumpara noong estudyante pa lang siya.
Kuwento mismo ng magulang ng kaklase ng kilalang personalidad, nagulat daw sila sa napakalaking pagbabago sa mukha nito.

“Nagparetoke kasi, kita mo naman, naiiba ang mukha niya sa kapatid niya, nu’ng estudyante pa sila ng anak ko, madalas dito ‘yan, ibang-iba sa itsura niya ngayon, nakakagulat. “Kaya nu’ng ipinakilala siyang boyfriend ng inaanak ko, nagulat ako, kasi sabi ko kapangalan nu’ng kaibigan ng anak ko sa kolehiyo, e, siya pala ‘yun, kaya kilalang-kilala ko yang si ____ (personalidad),” kuwento sa amin.

Dagdag pa ng kausap namin, “Noon pang estudyante ay may yabang na yan, mahilig sa mga mayayamang kaibigan para ‘in’ siya, kasi hindi naman sila mayaman. Alam mo naman sa _____ (eskwelahang pinasukan), halos lahat ng mga nag-aaral doon, mayayaman.

“Nakatisod ng mayamang kaibigan at simula noon, dumikit na at nagtayo ng negosyo sa tulong ng mayayamang kaibigan hanggang sa nakapagsara ng project na bilyones ang halaga. Maraming pinasukang negosyo yan, ewan ko anong nangyari, may problema yata lahat ng business niya,” sabi pa sa amin.

Kinumusta namin ang relasyon ng kilalang personalidad sa inaanak ng kausap naming magulang ng kaklase nito, “Matagal na silang hiwalay, di ba? Kasi nabuking na may asawa’t mga anak pala, hayun iniwan din ng asawa kasi nga babaero, hindi nga niya kamukha ang mga anak niya kasi nga nagparetoke na siya,” sabi pa sa amin.

Dagdag pa, “Ang super rich, ‘yung napangasawa niya kasi maraming business yun at pamilya niya, mabuti na lang mautak ‘yung babae, lahat ng assets niya nasa pangalan ng mga anak at pamilya niya, kaya wala siyang habol sa kayamanan ng asawa maski na kasal sila pero on-going ang annulment nila.”

As of now ay nananatiling loveless ang kilalang personalidad base sa pagkakaalam namin dahil wala naman siyang ipinakikilalang girlfriend sa ngayon. “Naku, hindi ‘yan nawawalan ng babae, marami ‘yan,” hirit ng magulang ng kaklase ng personalidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending