Aktor agaw-eksena sa suot na alahas at sapatos sa mall | Bandera

Aktor agaw-eksena sa suot na alahas at sapatos sa mall

Reggee Bonoan - June 15, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM MALE 0504

MUKHANG gigolo ang aktor nang makita namin sa isang mall sa Quezon City kamakailan kasama ang matangkad na modelong girlfriend.

Pinagtitinginan ng mga tao ang aktor na nakasando at may mga suot na kumikintab na kuwintas, bracelet, relo at sapatos na halatang mamahalin, samantalang ang matangkad na modelo niyang girlfriend ay aligaga naman sa pag-aayos ng suot niyan alampay. Sabi ng isang nakakita sa aktor, “Parang Saudi Boy naman ang lolo mo sa suot niyang makikintab, pati sapatos makintab (silver). Ano ba ‘yun, flaunting?”

Nagtataka rin kami dahil hapon naman nang makita namin ang aktor pero parang panggabi ang get-up niya at nasa mall pa. Anyway, wala kaming alam na project na ginagawa ang aktor kaya siguro may panahon siyang mag-gym na halata sa laki at puro muscles nitong katawan.

Huli naming nakita ang aktor dalawa o tatlong buwan na ang nakararaan sa ABS-CBN, sinamahan niya ang matangkad na modelong girlfriend para mag-audition sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime, pero hindi nakapasa.

Anyway, curious kami kung sino na ang manager ngayon ng aktor, ang nakarating lang sa amin ay mahusay at may kuneksyon daw ito sa movie producers. Pero tanong namin, bakit parang wala namang proyekto ang aktor?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending