Kiray sa bashers: Kung ayaw n'yo sa akin, wala naman akong pakialam! | Bandera

Kiray sa bashers: Kung ayaw n’yo sa akin, wala naman akong pakialam!

Reggee Bonoan - June 15, 2016 - 12:20 AM

kiray celis

HINDI naman siguro ambisyosa si Kiray Celis sa mga gusto niyang maging leading man sa anim na pelikulang gagawin niya sa Regal Entertainment, nauna na riyan sina Derek Ramsay at Kean Cipriano sa “Love Is Blind”.

Susundan ito ni Enchong Dee sa “I Love You To Death” na mapapanood na sa Hulyo 6 mula sa direksyon ni Miko Livelo.

Ito ang ikalawa sa anim na pelikulang gagawin ni Kiray sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde. At balita namin talagang bibigyan ni Mother ng choices ang komedyana kung sinu-sino ang gusto nitong makatambal sa susunod niyang mga proyekto. Inamin naman ng dalaga na isa sa pangarap niyang maging leading man ay ang long time crush niyang si Sam Milby.

Hindi naman imposible dahil nakagawa na ang aktor sa Regal noong nakaraang taon, ang “The PreNup” kasama si Jennylyn Mercado. Inamin sa amin ni Kiray na matagal na niyang sinabi sa Regal matriarch na si Sam ang gusto niyang leading man sa susunod at ayon naman lay Mother Lily ay nabanggit na nila ito sa talent management ng aktor na sobrang abala ngayon sa taping ng Doble Kara with Julia Montes.

Samantala, sa katatapos na presscon ng “I Love You To Death” ay naihambing si Kiray kay Jennylyn Mercado kaya natanong ang komedyana kung ang GMA actress ang peg niya na pawang guwapo ang leading man.

Sabi ni Kiray, “Oo nga may nagtanong sa akin niyan, parang si Jennylyn daw ang peg ko, parang ang layo ko naman kay Jen. Ang dami na niyang napatunayan. Wala akong peg, gusto ko sarili ko lang, wala akong gustong sundan pero ang idolo ko talaga ay sina Eugene Domingo at Ai Ai delas Alas.

“Pero hindi ko sila gustong sundan kasi hindi ko sila masusundan kahit anong mangyari, hindi ko kaya ‘yun, gagawin ko ang lahat para sa akin, gusto ko makilala ako bilang Kiray Celis hindi dahil pineg ko si Eugene o si Ai Ai.”

Ano naman ang nararamdaman ni Kiray sa mga nagsasabing feelingera siya o nagmamaganda? “Eversince naman kasi nu’ng bata ako, ganyan na sinasabi sa akin. Sa Goin’ Bulilit nga, parang sobrang used to it, hindi naman ganu’n ang tingin ko sa sarili ko, eh. Kung hindi mo ako magustuhan ng ganu’n, wala akong pakialam sa ‘yo,” katwiran ni Kiray.

May malditang fan na nagsabi na sana daw ay gumawa ng version si Kiray ng horror film na “Child’s Play” (Chucky doll), “Ay nabasa ko nga, pero natawa lang ako, eh, natatawa ako sa mga taong lumalait sa akin, pero kapag nakikita ko ng personal, nagugulat sila hindi ko alam kung bakit, pero ayokong magyabang kasi sabi nila, ‘Maganda ka pala?’

“Hindi kasi ako pangit, hindi ako pangit na tulad ng napapanood ninyo sa TV, hindi ako ‘yun. Kapag nakita n’yo ako ng personal, maayos naman ako,” sabi pa ng komedyana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending