Tanong ng madlang pipol: Buntis ba si Sarah G.? | Bandera

Tanong ng madlang pipol: Buntis ba si Sarah G.?

Reggee Bonoan - June 14, 2016 - 12:01 AM

sarah geronimo

“BUNTIS ba si Sarah Geronimo?” Ito ang tanong sa amin ng ilang kakilala na na-base na sa ibang bansa.

Bakit nga ba may tsikang buntis si Sarah? Na mukhang hindi naman totoo dahil linggu-linggo ay nagpe-perform pa rin siya sa ASAP na panay pa rin ang paghataw sa dancefloor. Kaya kung buntis yan, hindi na siya pasasayawin at kanta-kanta o hosting na lang muna.

May tinanong kaming TV executive tungkol sa tsismis na ito, ang sagot sa amin, “Alam mo, may nagtanong na rin sa akin niyan kasi nga tinanggihan niya ang The Voice Kids 3, di ba? Pero nu’ng makita namin si Sarah, wala naman kaming napansing kakaiba.” Sabi naman ng isa pang nakausap naming TV executive, “Nakita rin pala siyang naka-gym outfit, pero kakaiba ang glow sa mukha niya ngayon, as in ibang-iba.”

Siyempre kinulit namin kung anong klaseng glow ang nakita niya sa Pop Princess, tumawa muna ang kausap namin sabay sabing, “Ano ka ba? Hindi mo ba alam yung tinatawa na after sex glow!” Hala, alam kaya ito nina Mommy Divine at daddy Delfin. Knows kaya nila ang tungkol sa “after sex glow”.

Ang alam namin ay dalawang buwang mawawala si Sarah sa limelight dahil gusto niya munang magbakasyon at magpahinga. Pero ang tanong, ano nga ba ang sakit ni Sarah at bakit hindi niya sinasabi ang resulta ng naging check up niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending