Kiray makakalaban si Jaclyn sa takilya: Kung Cannes Best Actress siya, canned goods best actress ako!
SPEAKING of Kiray ay talagang nag-effort siya sa kanyang look sa ginanap na grand presscon ng ikalawang pelikula niya sa Regal Entertainment na “I Love You To Death.”
Ang layo kasi ng aura ni Kiray sa nakaraang presscon ng “Love Is Blind” na simple lang. Sa bago niyang pelikula ay naka-black lipstick pa siya, ito raw ang payo ng ni Fanny Serrano para maiba ang itsura niya. Kaya habang on-going ang presscon ay talagang ang kakaibang itsura ng komedyana ang napansin at sabi nga niya, “Maganda kasi ako.”
Anyway, sabi sa amin ni Manay Ethel Ramos, makakatapat ni Kiray ang pelikula ni Jaclyn Jose na “Ma’ Rosa” sa Hulyo 6 na naging Best Actress sa katatapos na 69th Cannes Film Festival na ginanap sa France kamakailan lang.
Kaya sa one-on-one interview ay natanong si Kiray kung hindi ba siya afraid na makakatapat niya ang Cannes Best Actress, “Feeling ko naman, mananalo rin kami, eh. ‘Canned goods’ nga lang, hindi Cannes! Ha-hahaha!” tawa ng tawang sabi ng aktres.
Dugtong pa nito, “Alam mo, hindi ko iniisip na makalaban siya (Jaclyn). Mas iniisip ko ‘yung makaka-laban namin na Hollywood (movies). Kasi, ano ba naman laban ko sa nanalo sa Cannes? At saka kapwa Pilipino ko ‘yon, eh. Mas pinaglalaban ko ‘yung pelikulang Pilipino kesa sa pelikula ng mga dayuhan.
“Mas dapat panoorin natin ‘yung gawa natin kesa gawa ng ibang tao. Kahit nga ako minsan, mas pi-piliin kong manood ng Hollywood (movies), ‘di ba? Kasi, wala ng trust ‘yung mga tao ngayon sa gawa natin, eh. “At saka kinaya ko nga ‘yung ‘Deadpool’ eh. ‘Yun ang nakatapat ng ‘Love Is Blind’ So, feeling ko kaya naman. Hindi ko siya tine-take as kalaban (Ma’ Rosa). Kasi, iba naman ang genre namin.
“Hindi ako takot sa kapwa ko Tagalog (pelikula), kasi kakampi ko sila. Hindi ko sila kalaban. Sana, maraming manood ng Filipino films dahil magkakakampi kami. Ang ka-laban namin, foreign films,” sabi ni Kiray.
At kung Cannes best actress si Jaclyn, “Canned Goods Best Actress ako! Ha-hahaha!” hirit pa ni Kiray.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.