Kontrata ni Jennylyn sa GMA expired na, tuloy na ang paglipat sa ABS?
BONGGA si Jennylyn Mercado dahil binigyan niya ng mamahaling relo ang manager niyang si Becky Aguila (Rolex) at anak nitong si Katrina Aguila (Tudor) biglang pasasalamat sa mga tulong na ibinigay sa kanya.
Sunud-sunod kasi ang blessings na dumating kay Jennylyn nitong dalawang taong magkakasunod kaya naman bilang pasasalamat ay niregaluhan niya ang mag-ina na nagsilbi ring ina at kapatid niya kahit sa likod na mga camera.
Nagsimula noong 2014 ay sunud-sunod na ang box-office hit ng mga pelikula ng aktres nauna na ang “English Only Please” kasama si Derek Ramsay kung saan nanalo pa si Jennylyn bilang Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival.
Kaya naman may follow-up movie agad ang aktres, ito nga ang MMFF 2015 entry na “#Walang Forever” with Jericho Rosales kung saan nanalo ulit siya sa parehong kategorya bukod pa sa malaki ulit ang kinita nito.
Kumita rin ng mahigit P120 million ang “The PreNup” nina Jennylyn at Sam Milby produced ng Regal Entertainment at almost P200 million naman ang kinita ng “Just The Three of Us” kung saan nakasama niya si John Lloyd Cruz mula naman sa Star Cinema.
At nitong linggo lang ay may bagong endorsement na pumasok na naman kay Jennylyn, ang Tough Mama Kitchen and Home Appliances, kapipirma lang niya rito ng kontrata. Idagdag pa riyan ang magandang takbo ng lovelife niya. Hindi pa sila umaamin ni Dennis Trillo tungkol sa kanilang pagbabalikan pero marami ang naniniwala na muli silang pinagtagpo para ipagpatuloy ang kanilang nasirang relasyon.
Samantala, humingi kami ng update kay tita Becky tungkol sa kontrata ni Jennylyn sa GMA 7 na expired na noon pang Mayo, “Still negotiating, Reggs, update kita pag okay na.” May mga tsismis na lilipat na raw si Jen sa ABS-CBN dahil nga hindi pa siya pumipirma ng bagong kontrata sa GMA. Abangan ang susunod na kabanata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.