Sofia 'nangungulila' kay Diego, nasanay na laging magkasama | Bandera

Sofia ‘nangungulila’ kay Diego, nasanay na laging magkasama

Reggee Bonoan - June 06, 2016 - 12:20 AM

 

diego loyzaga at sofia andres

MUKHANG hindi na yata sanay si Sofia Andres na wala sa tabi niya ang boyfriend (yes boyfriend na) na si Diego Loyzaga na pumunta kamakailan sa Australia. Noong Bi-yernes ay nag-post siya ng litrato nila na kunwari’y may ibi-nubulong kung saan tawang-tawa ang dalaga.

Base sa post ni Sofia, “I’m still wearing the smile you gave me, miss you already cray! #aussieboy.” Kailan lang namin nakitang magkasamang nanood ng sine (last full show) sina Sofia at Diego sa Eastwood Mall noong Mayo 27 kasama ang mama ng dalagita at personal assistant ng aktor.

At pagkalipas ng dalawang araw ay muling nakita ang dalawa ng a-ming kaibigan sa isang mall habang kumakain sa isang restaurant. Para-ting magkasama ang dalawa kaya si-guro sobrang nami-miss na ni Sofia si Diego.

At dahil may oras parating lu-mabas ang dalawa natanong sa amin kung wala ba silang project na ginagawa sa ABS-CBN? Balita namin ay may pelikula silang ginagawa under Star Cinema na horror ang tema. Natapos na kaya ito kaya nakaalis ng bansa si Diego?

At dahil nasa bahay lang si Sofia na tipong naiinip na kaya panay ang update niya sa kanyang social media account tulad ng mga kung anu-anong ginagawa niya. Nag-post din siya ng litrato ng rubber shoes na i-neendorso niya na may caption na: “Nintendo edition #vansphilippines.”

Pasado alas-dose ng hatinggabi noong Sabado ay nag-post uli ang batang aktres ng, “Give people time. Give people space. Don’t beg anyone to stay. Let them roam. What’s meant for you will always be yours.”

Ang tanong ng kanyang followers, may tampuhan kaya ang magdyowa? Bakit tila may hugot ang dalaga sa kanya at dis-oras pa ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending