Aktres ayaw nang iendorso ang produkto ng kaibigang negosyante | Bandera

Aktres ayaw nang iendorso ang produkto ng kaibigang negosyante

Reggee Bonoan |June 01,2016
facebook
share this

Aktres ayaw nang iendorso ang produkto ng kaibigang negosyante

Reggee Bonoan - June 01, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

MAY sama ng loob ang kilalang aktres sa may-ari ng ineendorso niyang produkto kaya hindi na siya nag-renew ng kontrata, hindi raw kasi nasunod ang mga usapan nila.

Matatandaang first endorser ng produkto ang kilalang aktres at pagkalipas ng dalawang taon ay kumuha ng ibang artista ang may-ari pero hindi bumenta ng bongga kaya’t kinuha niya ulit ang una.

For the nth time ay maganda ang samahan nina kilalang aktres at may-ari ng produkto at sa katunayan ay bumenta to the max ito pero sa kabila ng magadang partnership, nagkasira sila dahil sa isang kontrabida. Siniraan nito ang may-ari ng produkto.

At dahil dito ay hindi na nag-renew ang kilalang aktres at hindi na rin naman naghabol ang negosyante dahil may ibang inirekomenda sa kanyang aktres na mura lang ang talent fee.

Ang kaso, walang gaanong fans ang artistang ipapalit sa kilalang aktres kaya problemado rin ang may-ari kung itutuloy pa ang proyekto. Kaya pala hanggang ngayon ay wala pang balita kung sino ang kapalit ni kilalang aktres sa produktong nakilala ng husto sa merkado dahil sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending