Kilalang aktres makapal daw ang mukha, nagmaldita agad sa nilipatang network | Bandera

Kilalang aktres makapal daw ang mukha, nagmaldita agad sa nilipatang network

Reggee Bonoan |May 29,2016
facebook
share this

Kilalang aktres makapal daw ang mukha, nagmaldita agad sa nilipatang network

Reggee Bonoan - May 29, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM FEMALE 0305

SINAYANG ng aktres ang magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng isang TV network. Balitang sa maikling panahon ng pagtatrabaho nito sa istasyon ay lumabas kaagad ang tunay nitong ugali.

Kaya pala nu’ng lumipat ang aktres sa TV network kung saan siya nakatikim ng magandang project ay tuwang-tuwa ang staff at managers ng TV network na pinanggalingan niya dahil nabawasan na raw sila ng sakit ng ulo.

Kuwento sa amin ng isang TV executive na pinanggalingan ng aktres, “Buti naman nawala na siya sa amin, sakit sa ulo ‘yan, feeling sikat. Lahat ng prime artists namin ayaw siyang makatrabaho kasi primadonna.

“Gusto niya lagi siya ang ipi-please, gusto niya siya ang unang aasikasuhin bago ang ibang kasamahan niya. Hindi naman siya ang bida ng show. Namimili ng kausap at saka ano ‘yan, maldita talaga siya,” sumbong pa ng aming source.

Natandaan nga namin noon na may nakaaway o nakasagutang prime artist ng network si aktres na talagang naging laman ng lahat ng pahayagan. Nagkaayos din naman sila matapos ang mahabang panahon. Hanggang sa natapos na nga ang kontrata ng aktres sa network na kanyang pinanggalingan at hindi na siya ni-renew pa ng management kaya lumipat sa kalabang network.

Maganda ang pasok ng aktres sa kabilang istasyon dahil magandang project kaagad ang ibinigay sa kanya, pero nakitaan na siya agad ng kakaibang ugali. At inirereklamo na rin siya ng mga katrabaho niya kaya nu’ng natapos ang seryeng ibinigay sa kanya ay wala pa ring kasunod hanggang ngayon.

Dinig nga namin ay may launching serye sana ang aktres, pero dahil sa working attitude niya ay ibinigay na lang sa iba. Duda naman ng mga taong nakapaligid sa aktres ay, “Nasusulsulan siguro ng nanay at dyowa.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending