Zsa Zsa hinding-hindi na babalikan ang ex-boyfriend, ayaw nang magpakamartir | Bandera

Zsa Zsa hinding-hindi na babalikan ang ex-boyfriend, ayaw nang magpakamartir

Cristy Fermin |May 27,2016
facebook
share this

Zsa Zsa hinding-hindi na babalikan ang ex-boyfriend, ayaw nang magpakamartir

Cristy Fermin - May 27, 2016 - 12:20 AM

CONRAD ONGLAO AT ZSA ZSA PADILLA

CONRAD ONGLAO AT ZSA ZSA PADILLA

MISMONG malalapit kay Zsa Zsa Padilla ang nagkukuwento na anumang panunuyo-pagsusumamo ang gawin ngayon ni Architect Condrad Onglao sa singer-actress ay mahihirapan na ito.

Sabi ng isang kausap naming nakakakilala nang husto kay Zsa Zsa, “Masyadong matiisin ang babaeng ‘yun, kaya niyang magtiis hanggang kaya niya. Pero kapag hindi na talaga niya ma-take ang isang bagay, ‘yun na!

“The mere fact na siya ang umalis, may matinding reason ‘yun, hindi na niya kinaya ang lahat kaya umalis na siya. ‘Yun ang ugali ni Zsa Zsa, martyr pero palaban,” kuwento ng aming kausap.

Umuwi na nga ang singer-actress sa bahay nila ng namayapang Hari Ng Komedya. Hindi siya tumira sa ibang lugar, umuwi pa rin siya sa kanilang bahay ni Tito Dolphy, dahil ayon sa malalapit kay Zsa Zsa ay ‘yun ang lugar na nagbibigay sa kanya ng kapayapaan ng kalooban.

Isa pang isyung pinagpipistahan ngayon tungkol sa kanilang paghihiwalay bukod sa kuwentong masakit magsalita ang negosyante ay ang istoryang minamaliit ng pamilya ng arkitekto si Zsa Zsa.

Nakakalungkot ang ganu’ng kuwento. Maraming taong gustung-gustong makipagrelasyon sa mga artista dahil parang tropeo para sa kanila ang mga personalidad. Dagdag-angas para sa kanila ang pagkakaroon ng karelasyong artista.

Pero sa bandang huli ay ang artista pa ang nagiging kawawa, maliit ang tingin sa kanya ng pamilya ng lalaki, na hindi naman kinayang ipagtanggol ng kanyang mahal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending